Chapter 13 (Congrats)

10 1 0
                                    


Chapter 13

Congrats

"We need to celebrate! Saan niyo gusto?" Tanong ni Janie.

"Bakit? Libre mo?!" Nakangising sabi ni Jensen.

Ngumiwi si Janie. "Luh! Ang yaman mo pero muka kang libre! Kkb to!" Sabi niya.

"Akala ko ba celebration para kay Mika, eh ba't kkb?" Takang tanong ni Lia.

"Oo nga! May celebration bang kkb? Tanga mo naman!" Asar ni Cj kay Janie.

Pinalo ni Janie si Cj. "Meron kayang ganon!" Sabi ni Janie.

"Luh embento ka ah! Walang ganon!" Singhal ni Cj kay Janie.

Tumayo ako. "Ako na ang manlilibre! Hiyang-hiya naman ako! Intayin nyo ko mag bibihis lang ako."

Dumeretso ako sa locker dito sa gym. Naligo ako dahil sobrang pawis ako. Cycling short ulit na itim ang suot ko, nakaputi din ako na t shirt na may print na just do it. Mahilig kasi ako sa nike. Pag labas kong locker nakasalubong ko ang mga senior.

"Uyy hi! Mika right? I'm shanny." Pakilala sakin ng morena na matangkad. Maganda siya, para siyang artista.

Tinanggap ko yung kamay niya.

"Ang galing mo! Welcome to the team. I'm Thana." Pakilala naman ng isa na mistisa na singkit ang mata.

"Ako naman si eunice. Setter
ng team." Pakilala niya.

Mas matangkad ako sa kanya ng konti. Katamtaman lang ang kulay niya, maganda din siya.

Ngumiti ako. "Thankyou po. Ahm.. pauna na ako." Paalam ko sa kanila.

Kinawayan nila ko bago umalis. Pag labas kong gym. Nakita ko sila Cj na nag hihintay sakin. Nang makita nila kong papalapit bumuntong hininga si Janie.

"Jusko! Ba't ang tagal mo?! Akala ko ba magbibihis ka lang?!" Tanong niya.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng duffel bag ko bago siya sinagot. "Naligo kasi ako. Nasan si Lia?" Tanong ko sa kanila.

"Nandun na sa parking lot. Iniintay tayo." Sabi ni Jensen.

"San tayo bakla?" Tanong ni Janie habang naglalakad kami papuntang parking.

"Sa coffee shop nalang." Sagot ko. Tumango sila bago tumingin sa nilalakaran.

Kinuha ko ang phone ko ng maramdamang nag vibrate ito.

Darren:

Where are you?!

Darren:

Ba't ang tagal mo.

Darren:

I'm here in your house now.

Napahinto ako sa huling sinabi niya. Ba't nasa bahay siya?! Lumingon sakin sila Janie ng maramdamang hindi ako sumusunod sa kanila.

"O? Ba't ka huminto? May problema?" Takang tanong ni Jensen.

Umiling ako bago lumapit sa kanila. Nang pakarating kaming parking, nakasandal si Lia sa kotse niya habang may kausap sa phone. Binaba niya agad ang phone niya ng makitang paparating kami sa kanya.

"Ba't ang tagal niyo?!" Tanong niya.

"Sinong kausap mo?" Tanong ko.

Umiling siya agad. "Wala! Sa bahay nalang tayo." Sabi niya habang papasok sa kotse.

Kumunot noo ko, bakit sa bahay?! Eh ayoko nga dun eh kasi nandun yung unggoy. Dali-daling sumakay si Janie at jensen sa backseat, si Cj dumeretso din sa backseat habang nakatingin sa phone niya, nag eeml ata. Pumasok na din ako ng frontseat.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon