Chapter 15
Lunch
Kinabukasan maaga akong nagising kahit late na ko natulog. Iniisip ko kasi kung bakit naging manhid ako? eh wala naman akong ginagawa sa kanya, siya nga tong palaging nangengealam sakin eh!
Pag baba ko kumpleto ang pakakapatid. Umupo ako sa tabi ni Lia at nag simulang kumain.
"Anong nangyari kahapon?! Bakit sumusigaw kayo ni Darren?!" Bungad agad sakin ni Lia.
Umiling ako habang ngumunguya. Tiningnan niya lang ako ng nakakaloko bago bumalik sa pagkain. Ngayon na yung araw ng audition ni kumpareng Cj. Excited na kong makita siyang sumayaw.
Maganda si Cj as in, kaso titibo-tibo eh! Maiksi lang ang buhok niya, palaging nakasumbrero tapos nakabaliktad ang suot. Di mo aakalaing mayaman eh dahil sa galawan niya.
Hindi ulit nag dala ng kotse si Lia dahil as usual tinatamad daw siya. Kelan ba siya sinipag?!
Pag dating naming classroom nandun na si Janie, jensen at Cj.
"Goodmorning!" Bati nilang tatlo.
"Goodmorning din!" Sagot namin ni Lia.
"I have another chika!" Sabi ni Lia habang papaupo.
Yan nanaman tayo! Ang bibig talaga punyeta!
"I love it." Sabi ni Janie. Chismosa!
"Spill the bean!" Sabi naman ni Jensen.
Naka headband siya ngayon na tenga ng pusa. Si Janie naman naka clip na bulaklakin. Taragis ang lalantod!
"Cj! Makinig ka ah." Sabi ni Lia kay Cj.
Lumipat ulit si Cj sa tabi ni Lia. Jusko pati ito nahahawa na?! Kwinento ni Lia yung sigawan namin ni Darren kagabi. Grabe nasa sala siya pero narinig niya lahat ng usapan namin ni Darren? Ibang klase talaga!
"Omg bakla! Nag seselos si papa Darren." Tili ni Janie.
Nag seselos? Kanino? Kay kuya? Luh! Walang gusto sakin yun period. At hindi ko din siya gusto another period.
"Gusto ka diyan?! Walang gusto sakin yun!" Sabi ko sa kanila.
"Ayy? Manhid nga!" Ani Jensen.
Kinuha ko yung airpads ko sa bag, ayokong marinig pinag-uusapan nila tungkol sa tukmol na yun. Ako manhid?! Gusto niya ko?! Imposible! Ang sungit-sungit niya! Nung araw na nag mall kami, dun lang siya bumait, tapos kinabukasan back to normal ulit.
Dumating na ang prof namin kaya nakinig ako ng husto sa klase, ayokong isipin ang walang kwentang bagay.
Nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng coat ko, kinuha ko ito at inilagay sa ilalim ng lamesa para di makita ni prof.
Darren:
Tapos na klase niyo?
Kumunot noo ko, ano nanaman ang kailangan niya?!
Ako:
Ano na naman?!
Nagreply siya agad.
Darren:
Yung utang mo? Nakalimutan mo na ata?
Hala! Oo nga pala, may utang ako sa kanya. Eh kung hindi niya sana ako kinidnap eh di sana wala akong utang sa kanya.
"Ano yan?! Cellphone?!" Nagulat ako sa sigaw ni Lia.
Napatingin samin lahat ng classmate namin pati si prof. Tangina ka Lia! Nakakahiya!! Sabunot ka sakin mamaya, ina ka!!!!!
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...