Chapter 7Feeling Close
Tiningnan ko siya na nag iintay sa sagot ko." sorry pero... hindi pa ko ready eh. Pwede naman tayong maging mag kaibigan." yumuko ako dahil nireject ko siya.
"Ok lang Mika. Pero sana hayaan mo ko na iparamdam ko sayo yung nararamdaman ko." malungkot na sabi niya. Tumango ako bilang sagot.
Ngitian niya rin ako pabalik bago umalis.
"Na reject si papa Denver." malungkot na sabi ni Janie ng makalapit ako sa kanila.
"Suportahan nalang natin si Mika kung anong desisyon niya." sabi ni Lia habang nakaakbay sakin.
"Tama." sang ayon ni Cj at Jensen.
Bumalik kami sa locker para kunin yung bag namin. Umakbay sa'kin si Cj bago bumulong.
"Manok ko si Darren."
Nagulat ako sa sinabi niya? What?! Manok?!
"Ano ka ba?! walang gusto sa'kin yun no." Sabi ko.
Nag kibit balikat lang siya bago binuksan yung locker niya.
"Anong binubulong-bulong niyo dyan? Mind to share? Nandito kami oh!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Janie sa gilid ko.
Umiling lang ako bilang sagot. Nanliit ang mga mata niya sa'kin bago bumalik sa locker niya.
Nauna nang umuwi sila Jensen dahil napagod. Nag bihis lang ako na v neck t shirt na white pinusod ko na din yung buhok ko pero may nalalaglag na hibla ng buhok kaya naging messy bun.
Kinuha ko na rin yung bulaklak na bigay ni Denver, sa vase ko ilalagay para hindi agad malanta.
Pag labas ko ng cr wala si Lia, itetext ko sana siya pero may message na siya.
Lia:
Diretso ka nang parking, nandito na ko.
Naglakad nako papuntang parking lot.
Meron pa kong ibang istudyante na nakakasalubong dahil maaga pa.
"Nanliligaw na sayo si Denver?" nagulat ako kay Darren na nakasandal sa locker at diretso ang tingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "ba't mo tinatanong?"
Nakapamulsa siyang lumapit sa'kin.
Tiningnan niya yung bulaklak na hawak ko. Ngumisi siya at napailing."Mag bibigay na nga lang baduy pa." He laughed.
"I thought you like tulips" dugtong niya pa.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Pano niya nalaman?
Tinaasan ko ulit siya ng kilay. "How did you know?" Tanong ko sa kanya.
"Don't ask."
"Tsaka anong baduy pinagsasabi mo diyan? Bigay niya to, so I find it sweet." Sabi ko habang hinahaplos ang rose isa-isa.
Umigting ang panga niya.
"Sweet? Sa ganyan? Kasi ako, hindi lang bulaklak ang kaya kong ibigay sayo." Seryosong sabi niya.Nag init ang pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin. Nanghina bigla yung mga tuhod ko sa sinabi niya.
Bumilis lalo yung tibok puso ko ng mahuli siya na nakatitig sa'kin.Umayos ako ng tayo at pinigilang hindi mautal. "S-sabagay playboy ka, kaya alam mo kung pano makuha ang biktima mo." Matapang na sabi ko. Kahit sa loob-loob ko gusto ko nang umalis.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...