Chapter 31(Inis)

7 0 0
                                    

Chapter 31

Inis

Dumating ang event at succesful ang ginawa naming designs, dahil napili kaming lima ni Sir Ampalla. At ang nagsuot ng design ko ay si Ate Ivy. Kasali siya dahil ang sabi ng ibang teachers ay may darating daw na model na kukuha sila dito ng tao na dadalhin nila sa states for modeling. Si Ate Ivy kasi ay pangarap maging model in the future. Talaga namang bagay sa kaniya dahil bukod sa maganda siya ay pasado din siya sa mga standards ng modeling.

Nandito kami sa quadrangle dahil magsisimula na. Darating na din daw ang mga guest mula pa sa ibang bansa. Kaya nakaramdam ako ng excite. Mahaba ang stage na parehas na parehas sa victoria secret. Halatang ginastusan ng school.

Katabi ko ang si Darren pati ang parents niya. Nasa kahilera lang din namin sila Janie. Si Lia ay katabi si Benz. Ewan ko ba sa kanila? Hanggang ngayon ay wala pa ring label.

"Ladies and gentelmen, let's all welcome our special guest and also the judges." Panimula ng emcee.

"Mrs. Stacy Salvador and Mr. Lester Salvador."

Nagulat ako ng biglang lumabas sila Mom and kuya papunta sa stage. They didn't tell me na sila ang guest. I miss them so much. Tinext ko agad si Kuya Lester.

To: kuya Lester

Kuya you didn't tell me na kayo ang guest!

Hindi siya nagreply dahil ini-interview siya ng emcee.

"It's your Mom and brother." Ani Darren.

"Oo nga. They didn't tell me na sila ang guest." Sabi ko habang nakatingin sa stage.

Pumunta na sila sa dulo ng stage dahil doon ang pwesto nila para makita ang models. Nang makita ako ni Kuya Ay ngumiti siya sakin. Pero sinimangutan ko siya dahil hindi niya sinabi sakin.

Si Lia ay maingay ang bibig kaya tumingin sa kaniya si Kuya ganun din si Mom. Tinuro ako ni Lia kaya napatingin sakin si Mom. Nginitian niya ko dahil bawal kaming lumapit sa kanila dahil mag sisimula na. Kumunot ang noo niya ng makitang katabi ko si Darren.

Nagsimula na ang contest. Marami silang sumali. Siguro mga nasa singkwenta ata. Bawat model ay sinasabi kung sino ang nagdesign. Pang number 31 si Ate Ivy kaya medyo matagal pa.

Nagulat ako ng lumabas si Razel at nagsimulang rumampa. Magaling siyang magdala ng damit at halatang bihasa siya sa modeling. Nilingon ko si Darren na titig na titig kay Razel. Ni hindi niya naramdamang nakatingin ako sa kaniya. Nakaramdam ako ng selos sa mga tingin niya kay Razel. Suot kasi niya ang design ni Cj. At talaga namang ang sexy niya tingnan sa damit. Nawalan tuloy ako ng gana manood.

Nang lumabas si Ate Ivy ay napangiti ako. Dahil napaka elegant niya sa damit. At talagang bihasa din siya sa modeling kahit wala pa siyang experience. Ito daw ang first time niyang sumabak na may bigating guest na nanonood sa kaniya. Napaka sexy din niya sa design ko dahil may slit sa kanan niyang hita.

Nang tuluyan ng matapos ay nakuha si Ate Ivy ganun din si Razel. Pag uusapan pa kung dito sila sa pinas o sa states. Pero ang sabi sakin ni Mommy na kailangan pa nilang magtraining bago isabak sa modeling. Paniguradong mananatili sila Mommy dito ng medyo matagal. Humiwalay agad ako kay Darren dahil naiinis ako sa kaniya. Lumapit ako kay Mom ng matapos ang event.

"You didn't tell me na kayo ang guest." Tampo na sabi ko kay Kuya Lester.

"Because I want to surprise you." Nakangiting sabi ni Kuya Lester bago ako yakapin. "I miss my baby girl so much." Bulong niya bago halikan ang tuktok ng aking ulo.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon