Chapter 32Tears
Sa states ako nag christmas pati new year. Kaya nag face time lang kami ni Darren. Nakakalungkot nga na hindi kami magkasama pero okay lang dahil may susunod pa naman. Ngayon na ang acquaintance party namin. Excited na ko dahil ako ang nag design ng damit ko. Si Cj ay nag offer sakin na siya daw ang nag de-design ng damit ko. Pero sabi ko ako na lang. Dapat nga ay hindi pa siya pupunta eh, kaya pinilit namin siya nila Lia. Ngayon na din darating yung gown ko. Si Mommy kasi ay nag paiwan sa states. Si kuya ay nagpaiwan dahil gusto niya daw akong makasama.
Mamayang six kami pupuntang school. Nasa bahay ako nila Lia. Sabay kasi kaming pupunta sa school. Susunduin dapat ako ni Darren pero umayaw ako para surprise.
Bumaba ako ng dumating ang gown ko. Si Tita Asna ang nagdala, friend ni Mommy na mananahi. Ssa kaniya kami nag papatahi dahil mahusay siya pagdating sa pananahi.
"Ito na ang gown mo bibi." Bungad niya sa akin.
Bumeso ako sa kaniya bago buksan ang parihabang karton na kulay puti. Napaawang ang bibig ko sa ganda ng gown. Agaran kong niyakap si Tita Asna.
"Oh my god Tita I like it. Thank you so much."
"Basta para sayo, no probs." Aniya.
Siya din ang nagtahi ng gown ni Lia. Tiningnan ko sa salamin ang gown na ito. Talagang napakaganda niya.
Simple lang ang design ko pero napaka elegant niya tingnan. Lalo akong puputi nito dahil sa kulay.
Nang mag alas tres ay dumating na ang hinare ni Tita na mag aayos samin ni Lia. Pinusod ang buhok ko na may ribon na parehas sa kulay ng gown ko. May ilang hibla na nakalaylay na pinakulot din. Si Lia ay naka straight ang mahaba niyang buhok. Napaka elegant niya din sa sa ayos niya. Nang pinasuot sa amin ay gandang-ganda si Tita at Tito. Ganun din si Kuya Brix at kuya Matt.
Nag mag alas sais ay sumakay na kami sa limousine na pag ma-may ari nila Lia. Tinext ako ni Darren na nandoon na raw siya. Si Lia ay puro picture habang papunta kaming school. Nang makarating kami ay naka red carpet ang aapakan. May mga stand din na nakahilera sa kabilang gilid. Na parang nasa hoolywood ka. Unang lumabas si Lia bago ako. Medyo na late pa kami. Nang makapasok kami ay napakaraming tao. Nang makita nila kami ay napatingin agad sila sa amin. Lumapit si Benz kay Lia dahil sila ang magkapareha. Lumibot ang tingin ko sa buong lugar pero hindi ko makita si Darren. Asan na ba siya?
"Hi baby."
Napalingon agad ako ng makita siya sa aking likuran. Napangiti ako dahil napaka gwapo niya sa kanyang suit.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...