Chapter 3Nang dahil sa shake
"Guys tara gala muna tayo habang wala pang time." yaya sa'min ni Janie.
Pumayag ako dahil gusto ko ding makapag libot dito sa school, para aware naman ako sa lugar. Hindi naman kasi araw araw kasama ko sila, kailangan ko ding matuto.
Ansabe?!
Tumayo na kami "Kuya alis na kami mag lilibot libot kami." paalam ni Lia kay Kuya Brix tsaka sa pinsan niya. Humalik ako sa pisnge ni Kuya bago umalis.
Bumili rin ako ng shake bago kami lumabas.
"Dapat humalik din ako sa pisnge ni Brix bebe o di kaya kay Cedrick at Darren hihihi" malantod na sabi ni Janie.
"Te! bawas-bawasan naman ang pagka malandi natin ha! hindi nakakaganda." biro ni Jensen kay Janie.
Inirapan ni Janie si Jensen. "whatever bitch."
Pumunta kami sa field para tumambay habang wala pang bell, umupo kami sa damuhan para sumilong dahil ang init. May nilabas na chichirya si Janie at nag umpisang lumamon.
"Alam nyo ba mga bakla?" umpisang sabi ni Jensen.
"Hindi pa." birong na sabi ni Cj.
"Letse ka! Seryoso na."sighal ni Jensen kay Cj.
Tumahimik kami. Iniintay namin yung sasabihin niya mukang importante.
"Na ang ganda ko shet!"
Isa-isa namin siyang binatukan.
"Kala ko kung ano na!letse ka." sighal ni Lia sa kanya. Tinawanan niya lang kami.
"Kwento naman kayo about sa lovelife nyo! share naman diyan." sabi ni Janie habang ngumunguya ng chichirya.
Inagaw ni Cj yung chichirya para humingi.
"Tapos ano maiinggit ka?" Asar ni Jensen kay Janie.
Inirapan lang ni Janie si Jensen.
"Ikaw Lia may naging jowa ka na?" tanong ni Janie.
Nginiwian siya ni Jensen. "bakla! paki ayos ng tanong ha! of course!sa ganda ba naman nitong si lia imposibleng walang jowa." sabi niya habang tinuturo si Lia.
"Sorry daw ba" tugon ni Janie sabay irap.
"Nung highschool nag ka jowa ako. He's my first love kaso wala nag break din kami."kwento ni Lia.
"Ba't kayo nag break?" tanong ni Cj.
Tumawa si Lia. "bata pa kasi kami para sa relasyon. Puppy love lang ganun." tumango tango si Cj at yung dalawang bakla.
Tumingin si Jensen sakin. "Eh ikaw mika?nagka jowa ka na ba?" tanong niya.
"Ikaw din ayusin mo ang tanong mo." Sarkastikong sabi ni Janie kay Jensen. Inirapan lang siya ni Jensen.
Tumawa si Lia ng malakas. May pahawak-hawak pa sa tiyan niya.
"ay bakla! Anong tinatawa-tawa mo diyan?" nakakunot noong sabi ni Janie.
"haha wait lang! si Mika kasi wala pang nagiging jowa. Manang yan eh." Sabi ni Lia habang tumatawa pa rin.
Tiningnan nila ako. "legit? as in wala talaga?" takang tanong ni Janie.
Tumango ako. Bakit gulat na gulat sila na wala pa kong jowa? Kailangan ba meron non?
"bakit wala?"tanong ni Jensen.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...