Chapter 8 (Jealous)

7 0 0
                                    

Chapter 8

Jealous

"Explain."

Nakatayo ako sa harap ni Lia habang nakapamewang.

Naka upo naman siya sa kama niya habang nakayuko.

Para siyang bata na pinapagalitan ng mama niya.

"Sige na wag ka nang magalit. Ichi-chika ko na."

Umupo ako sa tapat niya. Siguraduhin niya lang na maganda ang sasabihin niya, kundi sapak siya sakin bente.

"Kasi ano... nag date kami ni crush!!! Waaaaa!" Kinkilig na sabi niya habang niyuyugyog ako.

'Puta! Iniwan niya ko dahil kasama niya crush niya? Malandi kang Lia ka!!!!!!

"Iniwan mo ko dahil kasama mo crush mo? Haliparot ka! Talkshit ka!.... Sino ba kasi yun?! Gwapo ba?!"

Tinawanan niya ko dahil sa sinabi ko.

"Pagalit-galit ka pang nalalaman, sipain kita diyan eh!" Aambang sisipain niya ko kaya inunahan ko na siya.

"Aray ko!" Sigaw niya habang nakahawak sa pwet niya haha.

"Bawi ko lang yan dahil iniwan mo ko. Tapos binilin mo pa ko kay Darren! Pinapalayo mo ko dun tapos biglang ganun? Anong eksena mo?"

Puro siya paalala sakin na 'wag kang papatol dun playboy yun. 'Wag kang lalapit dun sinasabi ko sayo.' Isa kang malaking kingina Lia!!

"Ok na yun nakauwi ka na din naman ng safe! Kung makapag reklamo ka parang kala mo inano ka." Inis na sabi niya. Tumayo siya at umupo ulit sa pwesto niya.

"Sino ba kasi yang crush mo na yan? At nagawa mo kong iwan ha?!" Inis na tanong ko.

Ngumisi siya bago kunin yung phone niya. Inistalk niya sa IG at pinakita yung picture sa'kin.

"Omg!! Si Benz? Your ex? Nung highschool?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Ahuh" nakangising sabi niya.

Tiningnan ko ulit yung mga pictures niya. Infairness famous tsaka gumwapo siya lalo.

"Famous niya ah." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa phone ni Lia.

"Oh well that's my baby." Pagmamayabang ni Lia.

'Luh! Baby daw?

"Luh! Ang tanong baby ka ba?" Pang aasar ko.

Sinipa niya ko. "Foul ka ah!!" Inis na sabi niya.

Tinawanan ko lang siya.

Dito na ko natulog sa kwarto niya dahil hindi na siya tumigil kakachika kay Benz. Malantod na talaga siya!!! Wala akong masabi!

Kinabukasan maaga akong nagising dahil mag g-gym ako. After kong maligo inayos ko yung duffel bag ko bago nag blower ng buhok.

Pinonytail ko lang yung buhok ko. Naka dolphin short ako na color navy blue at sports bra na black nagdala na din ako ng jacket. Alangan namang pumunta ako ng nakaganito, huhubadin ko nalang bag dating ko dun.

Pag labas ko saktong kakalabas lang din ni lia. Naka dolphin short din siya na black. At sports bra na color white. Nakapusod naman yung buhok niya. Parehas kaming naka white rubber shoes.

"Let's go." Sabi niya habang nag tetext. Di ko kilala kung sino.

"Gaya-gaya ka ng suot." Sabi ko sa kanya.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon