Chapter 29 (Toothbrush)

6 0 0
                                    

Chapter 29

Toothbrush

"Streching muna kayo dahil meron pang 5 minutes bago lumabas. Sigaw ni Coach.

Nandito kaming lahat sa girls room para mag streching. Malaki naman itong space kaya di kami mahihirapan. Kalaban namin ang Xavier na nasa kabilang room lang. Kanya-kanya kaming streching. Naka jacket kaming lahat. Kulay navy blue ito na may print ng aming apelyido at numero sa likod, sa harap ay logo ng school na nasa may bandang gilid. Kulay puti ang aming jersey na may lining na navy blue sa gilid, pati rin ang mga sulat. Kulay navy blue naman ang aming cycling short. Naka double french braid ang buhok ko para walang sagabal. Si Lia ay nasa aking tabi at nag s-streching din.

"Miks, tingnan mo si Razel." Turo ni Lia kay Razel. "Imbes na mag streching ay nag make-up ang letche." Aniya.

"Bayan mo siya, buhay niya yan!" Tamad na sabi ko bago tumalon-talon.

"Sabagay, pero bakit kailangan, mag make-up pa siya?"

"Aba malay ko, tanungin mo siya." Pambabara ko.

"Luh! Sungit mo ah! Nag away kayo?" Tanong niya.

Kumunot noo ko. "Hindi. Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.

"Ay, hindi ba? O' eh bakit badtrip ka ata?" Tanong niya.

"Kinakabahan ako." Ani ko bago kunin yung chocolate sa bag ko.

"Mananalo tayo! I swear, hindi ko hahayaang matalo tayo." Aniya bago humingi sa akin.

Lalong nadagdagan ang kaba ko ng marinig kong tinawag na ng emcee ang Xavier. Nag pray muna kami bago pumila sa pag labas. Nasa una si coach at pangalawa si Lia. Nasa likuran niya naman ako.

"And the St. LA volleyball team." Sigaw ng emcee. Gumala ang mata ko sa dami ng tao sa gym. Sobrang ingay ng crowd ng lumabas kami. Kitang kita ko sila Janie malapit sa uupuan namin. Silang dalawa ni Jensen ang may hawak ng banner, si Cj ay nakaupo lamang habang nakangiti sakin bago nag thumbs up. Pinapunta si Lia at ang captain ng Xavier kung sa amin ba ang bola o sa kanila. Napalingon ako sa likod dahil may tumawag sakin. Napangiti ako agad ng makita si Darren na katabi ni kuya Brix, katabi naman ni Kuya Brix si Cj.

Nagtaka ako ng makitang nakasimangot siya. "Bakit?" Ani ko ng walang tunog.

"I don't like your cycling." Sigaw niya. Pero parang ako lang ang nakarinig dahil medyo maingay ang crowd. "Ibaba mo! Masyadong maiksi."

Dali-dali ko namang binaba para matigil na siya, baka pag hindi ko sinunod ay baka mag away lang kami. Bumalik na si Lia sa tabi ko.

"Kanino ang bola?" Tanong ko.

"Kanila." Aniya habang nakatingin sa court.

Nag umpisa nang tinawag ang Xavier. Halos magaganda din sila pero iilan lang sa kanila ang matangkad. Nang matapos ay kami na ang tinawag.

"Number 16, Hannah Alvaro." Pumunta si Hannah kay coach at nakipag apir papunta sa amin. "Number 12, Razel Velturi." Ganun din ang ginawa ni Razel, nang makalapit siya sakin ay napaawang ang labi ko ng hindi niya ko apiran. Galit na galit siya sakin sis!

Tinawag na si Shanny, Eunice at kami ni Lia ang hinuli. "Number 5, Mika Salvador." Pumunta ako kay coach para umapir papunta sa teammates ko. Natawa kaming lahat ng tumungtong si Lia sa upuan at itinaas ang kamay dahil siya na ang aapiran ko. Pinapahirapan talaga ko nito. Tumalon ako para maabot ang kamay niya. Nang makarating akong court ay inirapan ko siya. Tumawa lang ang gaga bago lumapit kay coach para umapir.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon