Chapter 23
Batangas
Ilang araw kaming tuloy tuloy sa practice pero ngayon lang kami nakapag pahinga. Salamat dahil wala kaming training ngayon dahil busy si Coach para sa uniform namin. Dalawang linggo na lang bago mag intrams kaya mahinga kami ngayong araw tapos bukas ay balik ulit.
Si Darren ay matiyaga pa ring nag papatuloy sa panliligaw niya. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nung umamin siya, aaminin ko na, na unti-unti ko na siyang nagugustuhan, hindi ko alam kung bakit ganun kabilis, basta pag gising ko ng umaga ay gusto ko na siya, na sa tuwing lalapit siya ay nanghihina ako, pag ngumingiti siya ay nalulusaw ako, corny mang isipin pero yun ang nararamdaman ko, sa bawat pag salita niya ng mga sweet na salita ay nagwawala ang mga butterflies ko sa tiyan. Siya lang yung lalaking nag paramdam sakin ng mga ganung feeling. Sa states kasi ay marami akong suitors, pero ni isa sa kanila ay walang nag paramdam sa akin ng ipinararamdam ngayon ni Darren.
Ngayong araw napag desisyon ko na mag linis ng kwarto ko. Its already 7:00 in the morning. Naligo muna ko bago ko simulan ang aking general cleaning dito sa kwarto ko. Naka dolphin short ako na itim na may puting lining, pinarisan ko siya ng puting t shirt. Nag blower ako ng buhok bago ko ito inipit ng pa bun, may mga ilang buhok na nalalaglag kaya hinayaan ko na lang, bagay naman sa akin dahil naging messy bun siya.
Bumaba ako para mag luto ng breakfast. Si manang lil ang naabutan ko na nag sasaing. "Manang tulungan ko na po kayo, ako po ang mag luluto ng breakfast." Nakangiting sabi ko.
"Sigurado ka hija? Kaya ko naman ito." Aniya.
Niyakap ko yung braso niya. "Sige na manang please? Tutulungan kita." Nagpapacute kong sabi.
Nakangiti siyang bumuntong hininga. "Sige na nga, ang kulet mong bata ka! Parehas kayo ni Allia." Aniya habang binubuksan ang kalan.
Si manang kasi ang nag aalaga samin ni Lia nung mga bata pa kami, tuwing wala ang parents namin ay siya ang ikalawang magulang namin. Sobrang bait nitong si manang.
"Anong lulutuin natin manang?" Tanong ko habang nakatingin sa ref.
"Nag request si Matmat ng pork steak dahil inubusan siya nung dalawa nung nakaraan." Aniya habang naghihiwa ng bawang at sibuyas.
Natawa ako sa sinabi niya, si Lia at kuya Brix ang nag ubos nung nakaraan, eh na late ng uwi si Kuya Matt kaya di na siya natiran. Minsan kasi ay hindi siya dito umuuwi dahil minsan ay sa condo niya. Kaya inubos nila dahil akala nila ay di uuwi si kuya Matt. Kinuha ko ang baboy at higusan ito. Ako ang magluluto, nung nakaraan kasi ay ako ang nag luto nun kaya gustong gusto nila Lia. Isa sa mga masterpiece ko ay ang pork steak, kung hindi niyo na naitatanong haha.
After kong mag luto ay umakyat ako sa taas para gisingin sila. Una kong gigisingin si Lia. Dahan-dahan akong pumasok dala dala ang dalawang takip ng kaldero. Wala pa nga pero natatawa na ko. Inilapit ko yung takip ng kaldero sa tenga ni Lia at malakas itong pina ingay.
"Sunog sunog." Sigaw ko.
Napabalikwas siya ng bangon "Oh my god where?! Fuck my clothes!" Dali-dali siyang tumayo at tumakbo papuntang closet niya. Ang sakit ng tyan ko kakatawa.
Ibinaba ko ang takip ng kaldero bago siya puntahan. Lalo akong napatawa ng makita siyang natatarantang inilalagay ang kanyang mga damit sa maleta niya. Sorry Lia.
Pinigilan ko siya habang tumatawa. "Why are you laughing?! Saan banda yung sunog?! We need to evacuate." Natatarantang sabi niya. Gulo-gulo yung buhok niya kaya lalo akong napatawa.
"Walang sunog haha sorry!" Nag peace sign ako.
"Ganun lang ako bumati ng good morning." Halos maluha-luha ako sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...