Chapter 1 (park)

40 2 0
                                    

Chapter 1

Park

Nagising ako dahil sa bigat na bagay na nakadagan sa akin sa may bandang hita ko, lumingon ako sa likod ko. Mahimbing na natutulog si Lia at nakadantay yung paa niya sa'kin. Dito siya nakitulog sa'kin dahil nag movie marathon kami tsaka nag chikahan.

Dahan-dahan kong inalis yung paa niya sa akin at dahan-dahan ko ding binaba para hindi siya magising.

It's already 5:30 in the morning. I want to jog kaya tumayo ako para maligo.

Tulog parin si Lia ng lumabas ako ng cr, black leggings at racerback na grey ang suot ko, After kong magsintas ng sapatos kinuha ko ang aking airpads at cellphone, gusto ko kasing may music habang tumatakbo.

Pag baba ko ng salas walang tao, dumiretso ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Pag labas ko nakita ko si manang Lil na nag didilig ng mga halaman, mahilig kase si tita mommy sa mga halaman kaya alagang-alaga.

Lumingon siya sa akin ng maramdaman ang presensiya ko.

"Magandang umaga hija. Saan ang lakad mo?" tanong sa'kin ni manang.

"Good morning din po manang! Mag jojogging po ako, pakisabi kay Tita incase na hanapin niya ko."

"Sige hija, ingat ka."

Lumabas nako ng gate at nag stretching, sinuot ko ang airpads ko sa magkabilang tenga at nagpatugtog.

Nagsimula nakong tumakbo. Balak ko sanang ikutin itong bayview homes dahil bago lang naman ako dito. kay lola kasi ako nag stay nung highschool ako, siya ang nag alaga sakin since sila mom and dad ay nasa states pati na rin si kuya. I told them na gusto kong mag stay kila tita mommy kapatid ni mommy dahil malapit lang yung school na papasukan ko tsaka gusto ko ring makasama sila Lia.

Huminto ako sa pagtakbo ng makita ko ang di kalayuang Park. Tinakbo ko ito para dun ako makapag pahinga.

Wow!

Ang ganda!
may mini playground para sa mga bata, may mga upuan din at lamesa pwedeng mag picnic, napapaligiran din siya ng mga malalaking puno. Unti-unting lumiwanag dahil paparating na ang araw, naupo ako sa upuang nakatapat sa araw. It's relaxing. Sumabay pa ang simoy ng hangin kaya pinikit ko ang aking mga mata para ma feel ko ang lugar.

Unti unti kong dinilat ang aking mata. Nagulat ako dahil hindi ako nag iisa. May isang lalaking nakaupo at nakasandal sa puno nakapikit siya at may airpads din sa kanyang tenga.

Gumulo ang ilang hibla ng kanyang buhok dahil sa hangin. Makapal ang mga kilay at pilik mata niya, matangos din ang ilong at mapupula ang kanyang labi. Masasabi mo talaga na ang gwapo niya.

"Stop staring." seryosong sabi niya.

Shit!

Nakatingin siya sa akin bago ako inirapan.

What the hell?!

Tumayo siya at tiningnan ako ulit. bago ako tinaasan ng kilay.

"Hindi kita tinitingnan no!" supladang singhal ko sa kanya.

He smirked. "Tss, talaga lang ha?"

"Oo" supladang tugon ko.

Ngumisi siya at tumakbo papalayo sa'kin. Ang yabang!!! kala mo kung sino.

Nanatili ako saglit at napag desisyon ko nang umalis dahil nakaramdam nako ng gutom.

Pagpasok ko ng bahay dumiretso agad ako sa kitchen para uminom ng tubig. Nakita ko si tita na naghahanda ng lamesa.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon