Chapter 28
Intrams
Nasa gymnasium na kami ni Lia dahil manonood kami ng laro nila Darren, kasama ko sila Jensen at Janie. Si Cj ay wala dahil mag pe-perform sila ngayon bago mag start ang game. Napangiti ako ng mabasa ang text ni Darren.
From: Darren
Hey baby? Where are you? Are you here already at the gym? I want to see you. :(
To: Darren
Oo I'm here na, mamaya makikita mo naman ako. Goodluck baby. :)
From: Darren
You call me baby?! Wtf! Saan ka nakaupo? I want to see you right know damn!
Napatawa ako ng wala sa oras. Napaka oa talaga. Hindi ko na siya nareplyan dahil mag sta-start na. Merong mga student ng Xavier para suportahan ang players nila.
"Good morning St. LA!!" Sigaw ng emcee kaya nagsigawan ang buong crowd. "Hindi na siguro kayo makapag intay ano? Bago ang lahat ay may performance ang ating dance troupe na hindi magpapatalo pagdating sa sayawan!!" Muling umingay ang crowd.
"Let's all welcome, LA dance troupe."
Sumigaw kami nila Lia dahil nakita na namin si Cj na pumepwesto kasama ang kanyang members. Si Janie ang pinaka malakas ang boses at may hawak pa siyang banner. Naka half ponytail ang maiksing buhok ni Cj. At masasabi mong napaka ganda niya sa outfit nila. Naka long sleeve siya na croptop na kulay puti at itim na jogger cargo pants na may belt na nakalaylay. Meron din siyang malaking bilog na hikaw.
Naghiyawan ang buong crowd ng magsimula silang sumayaw. Napa 'o' talaga ang bibig ko sa galing sumayaw ni Cj, parang napaka basic ng dance steps pag siya ang pinanood mo, at talagang chill siya sumayaw. Kung lalaki lang ako ay paniguradong maiinlove ako sa galing niyang sumayaw.
"Whoa! What a amazing performance." Wow na sabi ng emcee. "But wait! There's more! May performance din ang ating cheer dance!!" Sigaw ng emcee.
At muling umingay ang crowd. "Let's all welcome, our St. LA cheer pep squad!"
Umingay lalo ang crowd ng masipunta ang mga cheerdancers sa kanilang mga pwesto. Nang magsimula sila ay napaka angas at ang lupet ng mga stunts nila kaya di nako magtataka kung bakit sila lagi ang champion.
"Kita mo yang babaeng mistisa?" Turo ni Lia dun sa babaeng tinutukoy niya.
Maganda ito na parang artista ang itsura. "O' bakit?" Takang tanong ko.
"Kapatid ni Denver."
Nagulat ako sa sinabi niya, kaya naman pala ang ganda dahil kapatid siya ni Denver. Kaya pala sabi ko ay may kamukha siya. Speaking of Denver, hindi na siya muling nagparamdam simula nung hinatak ako ni Darren paalis ng Cafeteria. Nakaramdam agad ako ng guilt dahil sabi ko ay hindi pa ko handa, pero boyfriend ko na ngayon si Darren. Pag nakita ko siya ay hihingi ako ng tawad.
Nang matapos ang cheerdances ay tinawag na ang Xavier University. At lalong umingay dahil pumasok na sila Darren. Lingon ng lingon si Darren sa bleachers. Paniguradong hinahanap ako. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya at sinenyasan akong bumaba. Bumaba ako pero hanggang sa may harang lang.
Lumapit siya sa akin at pumatong sa isang palapag ng hagdan. Okay na sana kaso may harang, pero di naman siya nahirapan dahil sa tangkad niya ay abot na abot niya ko.
"Bakit ka nandito? Dapat nandon ka bleachers namin eh! Para ikaw mag aabot ng energy drink ko tsaka punasan mo pawis ko." Sabi niya bago lumabi.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...