Chapter 37 (matulungin)

7 0 0
                                    

Chapter 37

Matulungin

Dalawang linggo na kong busy sa shop ko. Tapos na siya kaya bukas na opening. Si Darren na lang ang bumili ng materyales dahil busy ako para sa batangas. Ngayong araw kasi darating yung mga models na susukatan para sa event.

Nandito ako sa office ni Mommy. Dito ko pinapunta lahat ng models para sukatan. Nandito na rin ang magsusukat sa kanila.


"How's your shop?" Tanong ni Mommy.


"It was good. Bukas na ang opening." Ani ko habang iniisa isa ang papel na may mga drawing ng damit.

"I'm so happy for you anak." Ani Mommy bago ako niyakap.

Niyakap ko rin siya. Sila talaga ang naging inspirasyon ko sa pangarap kong ito. Kaya parte din sila ng achievement kong 'to.

"Maam. The models are here na po." Kumalas ako ng yakap kay Mommy.

"Papasukin mo." Ani ko sa aking sekretarya. Tumango siya bago buksan ng malaki ang pinto.


Isa isang nagsipasukan ang models. Nasa mahigit singkwenta ata sila kaya ang dami. Pero malaki naman itong kwarto para sa kanila.

Ibinigay ko kay Lalaine lahat ng papel sa kaniya para ibigay sa models. May mga pangalan na daw yun kaya hindi siya mahihirapan.



"Mika?" Napalingon ako sa pamilyar na boses. Napangiti ako ng makita si Ate Ivy sa harap ko.


"Ate Ivy." Niyakap niya ko agad kaya gumanti ako.

"Saan ka nang galing? Bakit hindi ka nagparamdam? Almost five years hindi kita nakita. How are you?" Nakangiting sabi niya.

Pilit akong ngumiti. "Nasa states kasi ako nag patuloy ng college. And I'm totally fine." Nakangiting sabi ko.


"I'm so happy to see you. Oh wait? Pumunta ka sa birthday ko this saturday. Punta ka okay? Magagalit ako pag wala ka dun."

Napalunok naman ako. Kailangan ba talaga? Hindi ba pwedeng regaluhan ko na lang siya? Or sabihin ko na busy ako? Gosh!


"Ahh, ye-yeah sure. No problem." Niyakap niya akong muli kaya gumanti ako.


"See you on saturday." Sabi niya bago umalis.

Mukhang mapapasabak na naman ako. Nakakahiya. Bakit hindi siya galit sakin? Pero sabagay, kapatid niya naman ang nanloko.


Isa-isa ko silang chineck. Pero masyado silang  marami kaya hindi ko natingnan lahat. Lumapit ako kay Mommy na nakangiti habang pinagmamasdan ang buong models na busy.

"I'm so happy for you anak. Nagmana ka talaga sa akin." Nakangiting sabi niya bago hawakan ang aking bewang.


"Me too Mom." Sambit ko habang nakatingin din sa models.

"Mom, restroom lang muna ako." Paalam ko.

Tumango siya. "Okay. Ako munang bahala dito."

Kinuha ko ang shoulder bag ko bago dumeretsong restroom. Umihi muna ako bago mag retouch. Pupunta kasi akong shop para tingnan yung mga gamit ko na dadalhin na doon.

Paglabas ko ay may taong naghuhugas kaya hindi ko na pinansin. Baka isa siguro sa models. Naghugas din ako ng kamay bago kuhain ang lipstick ko.


Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon