Chapter 41
Two days ay natapos na ang stage na pinangungunahan ni Yakie. Ngayong araw ay nagising ako ng maaga dahil ngayong araw na sisimulan ang pagpapractice ng mga modelo. Kahapon lang sila nagsidatingan kaya naligo ako at nagsuot ng jumpsuit na hanggang talampakan. Paglabas ko ay kakahatid lang ng aking pagkain kaya kumain na ako bago bumaba. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok at nagdala ako ng shades para mamaya.
Pagbaba ko ay nasa lobby si Yakie, nang makita niya ko ay ngumiti siya at tumayo. Nagbeso kami bago lumabas papuntang tent kung nasaan ang mga models.
"Napaka rami nila ano? At talaga namang aabutin kayo ng dalawang araw sa pag eensayo o hindi kaya ay tatlong araw." Ani Yakie.
"Paniguradong pagod ako nito. But I hope it will be perfect on Thursday." Sabi ko habang papalapit sa stage kung nasaan na ang mga modelo.
"Nasa backstage po ang mga models." Balita ni Anne.
Tumango ako. "Palabasin mo silang lahat. May importante akong sasabihin bago magsimula." Utos ko kaya dali siyang tumango at dumeretso sa backstage.
Open space itong venue kaya tutok sa araw pero maaga naman ngayon kaya hindi masakit ang sikat ng araw. May malaking payong kung saan ako uupo ganoon din ang ibang staff para mag-assist sa akin. Katabi ko rin si Yakie.
Isa isang lumabas ang models at naghilera sila pero yung iba ay nasa likod na dahil hindi na kasya.
Ibinigay sakin ni Kierra ang mic para doon magsalita. Kung hindi ako gagamit nun ay hindi nila ako maririnig.
"Good morning models." Bati ko.
"Good morning Ma'am Mika." Bati nila.
"This is our first practice. But I want to clarify things before we start. Since practice ito, gusto kong seryosohin ninyo at isipin na ito na ang araw ng competition." Lahat sila ay nagsitanguan.
May sinabi pa ako patungkol sa takbo ng event bago sila bumalik sa stage para umisahan ang pag eensayo.
Si Sammie ang taga assist sa backstage ganun din si Kierra. Si Anne ay nasa tabi ko para sa ibang kailangan. May isa akong hinire na mag organize sa pagrampa ng models. Si Somi. My gay friend.
"Bigatin ka na talaga mamshie." Aniya.
Nasa tabi niya ako ngayon at parehas kaming nakatayo at nakaharap sa stage.
"Not really." Sabay kaming natawa sa sinabi ko.
"Somi, kumain ka na ba?" Tanong ni Yakie na kakarating lang na tumabi sa kaniya.
"Oo, Mami."
Maya maya ay nagpaalam si Somi sa amin ni Yakie dahil titingnan niya kung nakaayos na ba ang mga models.
"Alam mo, may nakita ako kaninang papi doon sa may bandang kubo. Hindi ba iyon model? Mukhang modelo siya." Kilig na banggit ni Yakie.
Jusko may asawa't anak na 'to tapos gumaganyan pa.
"Baka naman turista." Sagot ko.
"Siguro. Pero napaka gwapong nilalang niya dai!"
Napailing na lamang ako sa mga sinasabi niya. Kung nandito lang si kuya Sancho ay baka nabatukan na niya itong kaibigan ko.
"Pero mas gwapo ang Sancho ko no." Nag flip pa siya ng buhok niya.
Gosh! Ewan ko sayo, Yakie. Kung 'di lang talaga ako good mood ngayong araw.
Lumabas si Somi at sinenyasan niya ako na okay na raw
kaya tumango ako.Nasa harap si Somi nang magsimulang lumabas ang unang modelo at nagsimulang rumampa. May mga sikat na modelo na kasama sa event na mga close friend ko din. Simula kasi na nagpunta akong states ay lumakas ang kapit ko sa mga modelo kaya naging kilala ako. Well, hindi ko naman pinagmamalaki 'yon. Minsan nga ay nagugulat na lamang ako na may nagpapapicture sakin. May iba naman na nagtatanong kung bakit hindi nalang daw pag mo-model ang kinuha ko.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...