Chapter 24 (First kiss)

6 0 0
                                    

Chapter 24

First kiss

"Let's eat first." Aniya bago hinawakan ang kamay ko papaalis sa harap ng dagat.

Namumula pa rin ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Pumasok kami sa malaki at engrandeng hotel. Halos lahat ng taong nakikita kami ay nag bo-bow.

"Good evening Sir, ito na po yung susi." Sabi ng babae na nasa counter.

Nginitian siya ni Darren bago umalis. "Sa inyo 'to?" Gulat na tanong ko.

Halos lahat ng gamit ay halatang engrade, marami ding tao sa hallway. Yung iba ay kumakain, at yung iba ay naka swimsuit pa. Andaming turista.

Ng makarating kami sa room namin ay napaawang ang bibig ko sa sobrang ganda ng loob, kulay kahoy ang pader ng buong kwarto kumpleto ang sala set, pati yung kusina ay modern na modern, may flatscreen tv. Pumunta akong cr, ganun din ang kulay niya, may bathtub, at kunpleto sa bodywash etc, pero puro panlalaki ito, halos wala akong makitang pambabae na shampoo or bodywash. Lumabas ako at tumakbo papuntang balcony, kitang kita ko ang buong isla at sa baba ng hotel ay may malaking swimming pool. Napaka ganda dito.

"So beautiful." Nakangiting sabi ko habang tinitingnan ang napaka gandang tanawin. Lahat ng magagandang beaches sa states ay napuntahan ko na pero mas iba ang ganda ng pinas.

"I'll shower first." Lumingon ako kay Darren na ngayo'y nasa loob at nag aayos ng gamit.

Nilapitan ko siya. "Uhm.... magkasama tayo dito? Sa iisang room?" Naiilang na sabi ko.

"Yeah, this is my penthouse. Hindi ka ba nagtataka na nasa pinaka tuktok tayo?" Sabi niya habang busy sa mga paper bags.

"Here." Inabot niya sakin yun.

"Yan ang mga damit mo, pumili ka diyan ng susuotin mo ngayon, bukas ay nandito na ang swimsuit mo."

Tiningnan ko ang laman ng paper bag, puro sakto sakin ang mga damit. Binitbit ko ito bago pumasok sa kwarto. Napanganga ako sa laki ng kwarto. May queen size bed at may malaking tv na nakawall, may sala set din at may sariling cr. Pinili ko yung denim short at puting off shoulder na expose ang tyan ko. Pag labas kong cr ay nakaupo si Darren sa kama habang pinapatuyo ang buhok niya. Gosh... kasama ko siya sa iisang kwarto, sa sofa ko na lang kaya siya patulugin? O kaya naman ay ako na lang sa sofa? Tutal kanya naman tong penthouse kaya wala akong karapatan kung saan ako pwe-pwesto pag matutulog.

Kakatapos ko lang mag blower ng buhok kaya umupo ako sa kabilang dulo para mag check ng phone. May text si Lia.

Lia:

Enjoy kayo diyan bitch! Gaganti ako pag uwi mo ditong letse ka! Ang sakit ng ulo ko ngayon.

Natawa ako, sumakit ang ulo niya dahil sa pag gising ko sa kanya.

"Are you done? Napalingon ako kaya Darren na nakatayo at nakapamulsang nakatingin sakin. Naka short sleeve siya na polo na bukas yung dalawang butones, kulay puti ito at itim na khaki short. Naninikit din sa ilong ko yung amoy niya.

Tumango ako. "Let's go, nagugutom na ko." Sabi ko habang papunta sa pinto. Pag labas ko ay hindi siya sumunod kaya sinilip ko yung kwarto.

"Bakit ka pa nandyan? Akala ko ba baba tayo para kumain?" Takang tanong ko.

Sumimangot siya. "Your short is too short." Habang nakatingin sa short ko. "Tsaka yung top mo ay kinulang sa tela..... please change." Aniya.

Jusko pati ba naman dito? "Normal tong suot ko, pano na lang kaya kung mag swimsuit ako? Edi hindi mo na ko pinayagang lumabas, ganun?!" Inis na sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Fine, I'm sorry." Nilapitan niya ko at hinawakan ang laylayan ng damit ko, binaba niya ito para matakpan yung tyan ko.

"Better." Nakangising sabi niya bago ako hilahin palabas. Napaka higpit naman nito, pero imbis na magalit ako ay parang kinikilig pa ko.

Pag baba namin ay inasikaso agad kami, puro seafoods ang nakahain. Nagsimula na kong kumain dahil fastfood lang ang kinain namin kanina. Nagulat ako ng tumayo si Darren para punasan ang gilid ng labi ko dahil may sauce. Namimihasa na siya.

After naming kumain ay napag desisyon naming lumabas para mag baba ng kinain. Umupo kami sa buhangin katapat ng dagat. Halos lahat ng puno ay may fairy lights kaya medyo maliwanag, dumagdag din yung liwanag ng buwan.

"Tell me about yourself." Napalingon ako sa sinabi ni Darren.

"Why?" Takang tanong ko.

"I want to know you more." Nakatitig na aniya.

Umiwas ako ng tingin. "Ahm.. I'm 20, and I have a brother." Ani ko habang nakatingin sa dagat. "I like to travel, be a successful fashion designer and..... no boyfriend since birth." Hininaan ko pa yung huli kong sinabi.

"So am I going to be your first boyfriend?" Napalingon ako sa sinabi niya.

Oo.

"Angas ka naman! Hindi pa nga kita sinasagot."

Tumawa siya. "Pa nga huh? So sasagutin mo ko?" Nakangising aniya.

"Mali yon! Wala akong balak sagutin ka!" Ani ko bago siya irapan. "Ikaw, tell me about yourself." Tumingin ako sa kanya.

"I have a sister named Ivy. She's older than me. And I have little brother named Yohan. Nakatingin siya ngayon sa dagat.

"May parents are cool, and I have one ex... Razel." Aniya bago ako tingnan. Isa lang ang naging ex niya? I thought he was a playboy?

"Gaano mo kamahal dati si Razel?" Curious kong tanong.

"I treat her like a princess, I do what she wants.... pero di pa rin sapat, iniwan niya ko para sa pangarap niya. Pero kalaunan ay pumayag na lang din ako dahil pangarap niya yun, boyfriend niya lang ako, anong laban ko dun?" Hinawakan niya ang kamay ko.

"If I treat her like a princess, don't worry, I treat you like a queen in my own world." Seryosong sabi niya habang nakatitig sakin.

Inilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. "You feel it? My heart beat really fast, when I'm with you." Aniya habang titig na titig sakin.

Jusko lord, pano kumalma? Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Pag lumalapit ka ay nag wawala na to." Tinutukoy niya ang puso niya. "Sa tuwing titingin ka ay nababaliw na ko." Aniya.

Tinitigan niya ko ng matagal, na unti-unti na pala niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko, kaya nakuyom ko ang kamao ko na nasa buhangin. Pumikit ako ng mariin sa kaba.

Lalo akong nanghina ng mag lapat ang labi namin, marahan at maingat niyang akong hinalikan kaya tumugon ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hinawakan niya ang pisnge ko at hinalikan ako ng mas marahan at mabagal.

Unti-unti niyang kinalas ang aming mga labi, napadilat ako at tumingin sa kanya.

"I love you." He whispered, before he kissed my lips again.

_______________________________________________________________________________________________

🐰

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon