Chapter 22
Razel
Dali-dali akong lumayo. "Bakit mo ginawa yun?" Singhal ko sa kanya.
"Ang alin?" Nakakunot noong sabi niya.
Inirapan ko siya. "Wala." Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na ko dito.
After kong kumain tumayo ako at uminom ng tubig. "Alis na ko! Salamat sa libre." Ani ko bago siya iwanan. Pero bago pa ko makalabas ng Cafeteria ay hinigit niya ang kamay ko para magkasabay kami ng lakad.
'Ang sexy ni Mika dude.'
'Ang hot at ang ganda'
'Kung hindi lang ako inunaahan ni Darren, matagal ko nang niligawan niyang si Mika.'
Nagulat ako ng umalis si Darren sa tabi ko at pinuntahan yung mga lalaki na nagbubulungan.
"What did you say?" Kwinelyohan niya yung lalaki. Dali-dali akong tumakbo para awatin siya. Pero di niya ko pinansin shit naman.
"Pinag uusapan lang namin kung gano kasexy si Mika." Nakangising sabi ng lalaking hawak ni Darren.
Napatakip ako ng bibig ng suntukin ni Darren yung lalaki. "Subukan mong sabihin ulit yan sa girlfriend ko, hindi lang yan ang aabutin mo. At kilalanin mo din kung sino ang binabangga mo." Sinipa niya sa tiyan yung lalaki. Sasapakin sana niya ulit kaya tumakbo na ko at niyakap siya sa likod.
"Please, tama na, tara na hayaan mo na please." Pakiusap ko.
Unti-unti niyang binaba ang kamao niyang nanginginig at hinila ako papaalis sa Cafeteria. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad papuntang gym. Pinigilan ko ang kamya niya kaya napahinto siya at tiningnan ako. Natakot ako sa tingin niya dahil madilim ito at halatang galit na galit.
Tiningnan ko yung kamay niya na nagdugo dahil sa suntok niya dun sa lalaki. Napabuntong hininga ako. "Tara sa clinic, gagamutin ko yang sugat mo." Ani ko habang nakatingin sa kanya.
"May first aid kit ako." Seryosong sabi niya.
Tumango ako at sumunod sa kanya. Pag dating naming parking ay dali-dali akong punasok at hinanap ang kit niya, ng makita ko ito hinarap ko siya bago kunin ang kamay niya.
Naglagay muna ako ng alcohol sa kamay bago lagyan ng alcohol ang sugat niya, nakita ko siyang ngumiwi kaya dinahan-dahan ko ang magdampi ng bulak sa sugat niya.
"Bakit mo pa kasi pinatulan?" Sabi ko habang busy sa sugat niya.
"Because they talk about you. At binastos ka." Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. Umiwas ako at binalik ang tingin sa sugat niya.
"Kahit na, dapat di mo pa rin pinatulan."
Nilagyan ko ng betadine bago lagyan ng bandage. Ng matapos ay dahan-dahan kong inilapag sa hita niya.
"Sa susunod, magdala ka ng mahabang short para hindi ka mabastos." Inis na sabi niya habang ginagalaw ang kamay niya.
Kasalanan ko to eh! Kung sana nakinig ako sa kanya edi sana hindi siya nakasuntok.
"Hey." Inangat niya ang baba ko pero umiwas ako ng tingin. "I'm sorry kung pinatulan ko pa, ayoko lang na binabastos ka nila ng ganon. I'm sorry." Pagpapaumanhin niya. Tumango ako bilang sagot.
"Lets go, mag training ka pa." Aniya bago lumabas. Lumabas din ako at tiningnan siya.
"I'm sorry." Napalingon siya sa sinabi ko. "Kung sana inintay na alng natin yung pinabili mo edi sana hindi ka nakasuntok. Sorry." Nakayukong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...