Chapter 6 (What's wrong with him?!)

11 0 0
                                    


Chapter 6

What's wrong with him?!

"O to the M to the G!! anong binulong niya sayo bakla?" kinikilig na tanong ni Janie.

"Mika wag kang mag papadala kay Darren." banta ni Lia.

Ito nanaman po siya, paulit ulit.

"Nag thankyou lang siya." pagsisinungaling ko.

"Thank you ba talaga sinabi niya?" paninigurado ni Cj. Tumango ako bilang sagot.

After naming kumain pumunta na kami sa susunod na subject with is P.e Nag punta kami sa locker namin para kumuha ng pe uniform.

"Excuse me po? kayo po ba si Mika Salvador?" lumingon ako sa lalaking nasa likod ko.

"Ako nga po. Bakit po?" takang tanong ko.

"May nag papabigay po." sabi niya sabay abot ng bulaklak.

"Sino pong nagbigay?

sinong mag bibigay sakin ng bulaklak? ni wala nga akong manliligaw.

"Hindi ko po kilala. Sabi niya po ibigay ko daw po sainyo, una na po ako." Sabi niya bago umalis.

tiningnan ko yung bulaklak, kanino galing to?

May nakita akong note na nakaipit sa red rose kaya kinuha ko ito at binasa.

Beautiful flowers for beautiful lady like you. :*

-Denver.

Denver? yung tropa ni kuya Brix?sa akin ba talaga to? baka nag kamali lang si kuya ng bigay. Sa laki nitong St.LA paniguradong may kapareho ako ng pangalan.

Pumasok nako sa cr para magbihis. Pag labas ko nakita ko si Lia na nakasandal sa pader.

"Sayo 'to?" tanong niya habang nakaturo sa bulaklak.

"Oo." lumapit ako sa lababo para mag hugas ng kamay, naka pe uniform na din siya.

"Ay nakanaks naman! kanino galing?" kinikilig na tanong niya.

"Kay Denver." inayos ko yung sintas ng sapatos ko natanggal kasi.

"Omg!!!!!! Mikaaaa this is it. Mabait si denver nakakasama ko na siya kasi tropa siya ni kuya
Brix." tiningnan ko siya ng masama.

"Ayoko nga gusto mo ikaw."

Ngumiwi siya. "yoko nga sakin mo pa pinapasa. Tara na nandun na sila Jensen sa gym, lagay mo na yan sa locker mo mamaya mo nalang kunin. Yieeee" Sinusundot niya pa yung tagiliran ko parang tanga.

Pag dating naming gym medyo maraming tao dahil may nag lalaro, pero malaki naman itong gym kaya hindi kami mahihirapang mag klase.

Dumating na yung Prof kaya pumila na kami. Pina jogging kami sa buong gym.

Nasa unahan si Cj sunod ako, nasa likod ko si Lia tapos sumunod si Janie,nasa panghuli si Jensen.

"Mga bakla may chika ako sa inyo mamaya." kinikilig na sabi ni Lia habang tumatakbo.

Bunganga talaga nito.

"Tungkol saan ba?" narinig kong sabi ni Jensen.

Katamtaman lang yung katawan ni Jensen. Hindi katulad ni Janie na chubby, pero cute sila pareho.

"Siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo Lia sinasabi ko sayo." hinihingal na sabi ni Janie.

Tumawa si Lia. "trust me! matutuwa kayo haha." Hindi na sila nag usap pagtapos nun.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon