Chapter 26 (perfect)

3 0 0
                                    

Chapter 26

Perfect

"Baby wake up."

Idinilat ko ang mga mata ko ng maramdaman na may humahalik sa labi ko. Napangiti ako ng makita si Darren na nakangiti sakin bago ako halikan ulit. "Good evening my queen." Malambing na sabi niya.

Tinulungan niya kong tumayo dahil ayaw ko lang tumayo. "Maligo ka na, may pupuntahan tayo bago bumalik ng manila." Aniya habang may inaayos.

Nakaramdam agad ako ng lungkot, babalik kami agad? Gusto ko pa siyang makasama. "Babalik na tayo? Why?" Nakangusong sabi ko.

Nilingon niya ko bago lumapit sakin, pinulupot niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.

"We need to go back because we have a training." Hinalikan niya ang pisnge ko.

"Alam kong gusto mo pa kong makasama, babalik naman tayo dito." Aniya habang tumatawa.

Sumimangot ako bago siya pinalo sa braso. "Kapal mo naman." Tumayo ako at iniwan siya.

Nagbabad muna ako sa bathtub habang iniisip ang mga nangyari ngayon. Napangiti ako sa naisip na kami na ni Darren, dati ay galit na galit ako sa kanya dahil sa pagkamayabang niya. Pero ngayon ay yun ang pinaka nagustuhan ko sa kanya. At hindi ko rin akalain na napaka clingy niya, akala ko ay wala siyang sweetness sa katawan pero nagkamali ako, sa aming dalawa ay siya pa ang mas sweet. Nang makaramdam ako lamig ay umahon ako at nagsimulang maligo.

Paglabas ko ay wala si Darren, napansin ko na may pulang dress na nakalatag sa kama, kinuha ko ito at pinagmasdan. Halit ito sa akin, may maliit siya na manggas pero lace ito pati ang buong damit ay pinalibutan ng lace. After kong mag bihis ay may pumasok na babae.

"Magandang gabi po Ma'am, ako po si Lisa." Pakilala niya. Siguro nasa 30's na siya. "Pinadala po ako dito ni Sir Darren para ayusan kayo."

Napangiti ako, kumuha pa talaga siya ng mag aayos sakin? Nakaramdam agad ako ng excite. Nginitian ko siya bago naupo sa harap ng salamin. Inilabas niya ang ilan sa mga make up. Sinabihan ko siya na wag kapalan dahil gabi naman na. After niyang lagyan ng make up ang mukha ko ay ikinulot niya ang buhok ko sa dulo.

Nang matapos siya ay nag paalam siya. Humarap ako salamin at pinagmasdan ang aking itsura. Magugustuhan niya kaya ito? Isinuot ko din ang pulang sandals na nakapatong sa kama. Nagpabango ako bago lumabas.  Nagtaka ako ng di siya makita sa salas o sa kusina.

Bumaba ako ng nakakunot ang noo, nasan siya? Nang makarating akong hallway ay may lumapit sa akin na dalawang babae.

"Maam, tatakpan po namin ang mata niyo." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"

"Yun po ang utos ni Sir Darren." Sabi nila pareho.

Kahit ayaw ko ay wala akong nagawa kundi pumayag. Inalalayan nila kong dalawa habang nakapiring ako. Naramdaman ko din na malambot ang inaapak ko at tumama sa mukha ko ang simoy ng hangin kaya alam ko na agad na nasa labas kami.

"Malapit na ho ba tayo?" Tanong ko dahil parang di pa kami nakakarating sa pupuntahan.

"Malapit na po tayo." Sabi nila pareho. Sabay talaga dapat magsalita? Kambal ata ito.

Huminto kami kaya inintay kong tanggalin nila ang piring sa mata ko. Napatakip ako ng bibig ng makita kung gaano kaganda ang lugar. Napapalibutan kami ng buko tree na na may fairy lights ang mga katawan, meron ding mga kandila na nakahilera sa lalakaran ko. Dahan-dahan akong lumakad papuntang mesa na nakaayos. May bulaklak ito sa gitna at may kandila. Ang romantic naman nito. Napangiti ako lalo ng makita si Darren na may hawak na bouquet of tulips na iba't-iba ang kulay.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon