Chapter 9 (Friends)

10 0 0
                                    

Chapter 9

Friends

Tahimik lang ako habang bumabyahe kami pauwi.

Malapit na kami sa kanto ng Bayview Homes. Akala ko liliko kami pero nilagpasan niya

"Hoy! Hoy! Ba't mo nilagpasan?! San mo ko dadalhin ah?!" Natatarantang sabi ko.


Sinasabi ko na nga ba e! Liaaaaa!! patay ka talaga sakin pag may nangyaring masama sakin dito sa lalaking to!!

"Easy! Kakain lang tayo. Almost lunch na." Sabi niya ng hindi tumitingin sa'kin.


Nag dedesisyon lang siya ng hindi ako ini-inform? Eh pano kung ayaw ko kumain? May magagawa siya?!

"Edi kumain ka mag isa mo! Iuwi mo na ko." Inis na sabi ko.


Lumingon siya sakin bago binalik ang tingin sa daan.


"We're almost here. Bakit? Hindi ka ba nagugutom? Anong klaseng tyan yan?!" Tumatawang sabi niya.

Aba't nang asar pa!

"hindi ako gut-"

~kruuuuuu~

"Pfft.... hahaahahah"

Shit nakakahiya!!!!!

"Buti pa yung tyan mo nagsasabi ng totoo haha."

Napatakip ako ng muka dahil sa hiya. Hindi siya tumitigil kaka tawa.

"Stop laughing!!"

"Sorry pfft.. ang lakas non ah."

"Stooop!!!" Malakas ko siyang sinuntok sa braso.

"Aray ko! Ang sakit non ah!" Hinihimas niya yung braso niya.

'Napalakas ata.'

Nakahawak pa rin siya sa braso niya habang nag pa-parking siya.

Nandito kami ngayon sa Moa.

"Sorry! Ikaw kasi eh napaka mapang asar mo!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Nag so-sorry galit pa! Ibang klase." Sabi niya habang umiiling.

Umirap ako. Nag so-sorry na nga ayaw pa! Pabebe rin eh.

Nag ayos lang ako bago bumaba. Iniwan ko din yung duffel bag ko sa kotse niya.

Nauna akong naglakad sa kanya. Feeling ko namumula ako dahil sa kahihiyan!

"San mo gustong kumain?" Napalingon ako sa kanya.

Ambilis namang maglakad nito?!

Nakatingin siya sa akin habang habang pinaglalaruan yung susi ng kotse niya.

"Botejyu." Tumango siya at di na nagsalita.

Nag c-crave kasi ako sa japanesse food. Pag pasok namin medyo maraming tao dahil weekend.

Umupo kami malapit sa bintana kaya kitang-kita yung labas. Binigay niya yung menu, kaya pumili ako ng kakainin ko.

"Pork cutlet with egg rice bowl and shrimp tempura sushi roll. Teppan bake banana with vanilla ice cream for dessert." Sabi ko sa waitress pero kay Darren nakatingin.

Ako ang nag sasalita pero sa kanya nakatingin?! Aba matindi!

"Excuse me miss? Narinig mo ba ang inorder ko?!" Nabaling agad ang tingin niya sakin.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon