Chapter 33
Goodbye
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari yung gulo sa acquaintance. Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Ni hindi na rin ako makakain ng maayos. Kada gabi ay iyak ako ng iyak. Pinupuntahan ako nila Lia pero hindi ko sila magawang harapin dahil baka lalo akong maiyak. Ginawa ko ding puntahan si Darren sa bahay nila pero wala siya dun. Gumaan ng konti ang pakiramdam ko ng sabihin ng parents ni Darren na naniniwala sila sakin na hindi ako yun. Wala din silang alam kung nasan si Darren.
Sinubukan ko ding puntahan ang unit niya pero wala siya dun. Ni hindi siya nag te-text sa akin kaya lalo akong nanlumo.
To: Darren
Hi baby. I miss you. Asan ka na ba? Please, I want to see you.
To: Darren
Maniwala ka, hindi ko yun magagawa.
To: Darren
I love you so much please...
To: Darren
Anniversary na natin bukas oh? Magparamdam ka naman. May surprise ako sayo :(
Halos minu-minuto ay tinetext ko siya. Pero wala akong matanggap na reply mula sa kaniya. Hanggang ngayon ay iyak ako ng iyak. Di ko alam kung nasan siya. Miss na miss ko na siya. Sobra.
Kinabukasan ay nagpabili ako ng lobo at cake kay Kuya Lester. Aayaw sana siya pero sa huli ay pumayag din siya. Pupunta ako sa unit ni Darren mamaya dahil anniversay na namin ngayon. Kumpleto na ang lahat. Kasalukuyan akong nagsusulat ng sulat para sa kaniya. Ilang araw na kong walang kain pero parang wala akong nararamdamang gutom.
"Mika." Kumatok si Lia sa pinto. Pero hindi ako kumilos, nagpatuloy lang akong nagsusulat. "Pwede ba kong pumasok? Baka kailangan mo nang makakausap. Nandito lang ako. Kumain ka na din. Papasok na ko ha?" Hindi ako lumingon ng marinig kong bumukas ang pinto. Inilapag niya ang pagkain sa lamesa bago umupo sa harap ko.
"Mika, kumain ka naman oh? Nag aalala na ko. Wag mo namang hayaan ang sarili mo. Nagpapalamig lang siguro siya. Alam kong mahal ka niya."
Tiningnan ko siya ng marinig siyang sumisinghot. Tumulo na din ang luha ko ng makita siyang umiiyak.
"Wag mo namang hayaan ang sarili mo, please." Niyakap ko na siya dahil tuluyan na siyang napahagulgol.
"I'm sorry. Sorry kung nadadamay kayo ng dahil sakin. Maniwala ka, gusto kong maayos to. Pero parang nanghihina ako." Umiyak na din ako sa balikat niya. "Yung mga sinabi niya sakin ay di ko makalimutan. Ang sakit sakit. Sana panaginip lang 'to."
"Shh.. tahan na. Maayos din 'to." Kumalas ako ng yakap para ipagpatuloy ang aking ginagawa.
"Ano yan? Surprise mo sa kaniya? Gusto mong tulungan kita?" Ngumiti siya bago kuhain ang ibang colored paper.
Mapait akong ngumiti ng lagyan niya ng ribon ang tatlong lobo na may nakasulat na I love you. Tumulo ang luha ko kaya agaran kong pinunasan para hindi niya makita. Feeling ko ay awang-awa na sila sakin.
"Maligo ka na. Ako nang bahala dito. Sasamahan kita."
Hindi na ako sumagot. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay naka denim pants lang ako at puting v neck shirt. Nag sneakers na lang din ako para hindi hassle dahil may cake akong dala. Pinusod ko lang din ang buhok ko. Nag liptint lang ako. Nag shades din ako dahil sobrang maga ng mata ko.
"Tara na?" Nakangiting bungad ni Lia. Naka pants din siya at naka croptop.
Tumango ako bago kunin ang cake. Siya ang nagdala ng mga lobo. Pati yung box na may relo at letter. Hindi na ko makapag isip ng maayos kaya ito lang ang regalo ko sa kaniya. Tumayo si Kuya Lester ng makita kami ni Lia.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...