Chapter 25 (Baby)

8 0 0
                                    

Chapter 25

Baby

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog sa nangyari kagabi, hanggang ngayon ay nag si-sink in pa rin sa utak ko yung halik niya. Sa salas siya natulog kagabi, at ako, dito sa kwarto niya. Nahihiya akong mag pakita sa kaniya dahil dun sa nangyari.

Naligo ako habang lutang ang isip ko, ganto pala ang feeling na halikan ka? Jusko! Para akong mababaliw ng dahil sa halik niya. At yung tatlong salitang sinabi niya ay tumatak talaga sa utak ko. Naka sleeveless fit croptop ako na color black at denim short ang suot ko. Nag ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Pag labas ko ay wala si Darren sa salas kaya dumeretso ako sa kusina, nagulat ako ng makita siya na nagluluto at walang pang itaas na damit. Napalunok ako So hot!

"Hi good morning, how's your sleep? Nagulat ako agad dahil nakarahap na siya sakin habang nakangiti.

Umiwas ako ng tingin dahil nag init ang mukha ko. "Uh-hm.. good morning."

Tumawa siya. "Come here."

Tumingin ako sa kanya, nakahain na ang niluto niya. Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa silya. Umupo din siya bago ako titigan. Na di-distract ako dahil nakikita ko ang 6 pack abs niya ohmygod ang landi ko na.

"P-pwede bang mag damit ka muna?" Ani ko habang nakatingin kung saan.

"Oh? Sorry."

Nakahinga ako ng maluwag ng makita siyang kumuha ng damit at nag bihis. Umupo siya kaya nag simula na kaming kumain.

"Do you want to swim later?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yeah, di ko palalampasin to dahil ang ganda dito." Nakangiting sabi ko.

"Ikaw ang maganda." Nakangiting sabi niya. Oh my god! Bakit siya ganyan? Hindi niya ba alam na kinikilig ako?

"Ang cute mo palang kiligin." Aniya habang tumatawa.

"Stop it." Sighal ko.

After naming kumain ay naligo na siya. Ako ay naglagay na ng sunblock para matuyo na siya mamaya, suot ko na din ang two piece kong swimsuit pero pinatungan ko na siya ng cardigan.

 Ako ay naglagay na ng sunblock para matuyo na siya mamaya, suot ko na din ang two piece kong swimsuit pero pinatungan ko na siya ng cardigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ganyan yung itsura ng swimsuit ni Mika, tapos imaginin niyo na maputi siya.)

Pag labas kong kwarto ay nakaupo na si Darren sa sofa at mukhang tapos na siya dahil naka bihis na siya. Naka polo siya na puti na tinupi hanggang siko tapos naka black casual short siya. Naka shades din siya na itim. Ng makita niya ko ay inalis niya ang suot niyang shade at lumapit sa akin.

"Let's go?" Aya niya.

Tumango ako at sabay kaming lumabas. Pag baba namin ay medyo marami ang tao sa lobby at halos sila ay nakatingin sa amin.

'Ang gwapo niya.'

'He's so hot.'

Talagang hot itong kasama ko, biruin mo ay ganyan lang ang suot niya pero agaw pansin lalo na ang dibdib niya dahil nakatanggal ang dalawang butones nito.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon