Chapter 12
Try out
Maaga akong nagising kinabukasan dahil back to normal, may pasok na ulit kami.
Pagtapos kong maligo nagbihis muna ko ng uniform bago ayusin yung dadalhin ko mamaya. Mamaya na kasi ang try out ko sa volleyball.
Pag baba ko si kuya Brix at Lia lang ang nakita ko. Umupo ako sa tabi ni Lia.
"Nasan si Kuya Matt?" Tanong ko sa kanya.
Nag kibit balikat siya. "Di ko alam pag baba ko wala na siya. Sabi ni manang maaga daw umalis. Malapit na kasi ang intrams at events kaya magiging busy." Paliwanag ni Lia.
Oo nga pala siya nga pala ang Ssg president. After naming kumain sumabay na lang kami kay kuya Brix dahil tinatamad mag drive si Lia.
Pag dating naming classroom si Janie at Jensen palang ang nandon pati yung ilan naming classmate.
"Good morning mga bakla!" Masiglang bati ni Janie.
"Good morning din." Bati ko kay Janie at Jensen.
"Mga bakla! May chika ako today." Sabi ni Lia sa dalawa.
Lumaki agad ang mata ni Janie. "Ayy gusto ko yan!" Sabi niya habang pumapalakpak.
"Pag dating talaga sa chismis, numero uno ka Janie." Biro ni Jensen sa kanya.
Tumawa ako at napailing.
"O' ano nang chika." Tanong ni Jensen kay Lia.
Binatukan ni Janie si Jensen. "Isa ka ren! Kung ako numero uno, ikaw numero zero!" Singhal niya kay Jensen.
Tumawa kami ni Lia sa sinabi niya.
Mag kwe-wento na sana siya ng biglang dumating si Cj. As usual nakasumbrero ito na nakabaliktad ang suot.
"Cj makinig ka din sa chika ko. Halika lumapit ka dito." Sabi ni Lia habang unuurong yung upuan sa tabi niya para dun umupo si Cj.
Bali ang pwesto namin, magkatabi kami ni Lia, nasa tabi ako ng bintana. Nasa harap namin si Jensen at Janie. Si Cj nasa tabi ni Lia.
Kwinento niya lahat. Lahat ng kwinento ko sinabi niya. Walang labis, walang kulang.
"Omggg!!!! Dalawang hotties ang naka date. Iba ka gurl!" Ani Janie.
"How to be you po?" Tanong ni Jensen.
"Iba talaga ang manok ko! haha." Nabaling ang tingin namin kay Cj.
"Oh? Bakit?!" Takang tanong niya.
"Anong manok ang sinasabi mo?" Ani Lia.
"Yung date ni Mika ang pinag uusapan dito! Anong manok?!" Litong sabi ni Janie.
Tumawa si Jensen. "Ang slo-slow niyo naman! Ibig niyang sabihin may manok siya sa dalawa. Ibig sabihin gusto niya para kay Mika! Mga boba!" Sabi niya bago umirap.
Yun na din ang nasa isip ko. Paniguradong si Darren ang manok niyan. Di niya ko gusto, and the feeling is mutual.
Tumawa si Janie. "Ayy yun pala yun?" Napakamot siya ng ulo.
"Yan! Pag lalandi kasi ang inuuna!" Biro sa kanya ni Jensen.
"Inggit ka? Gaya ka!" Sagot ni Janie. Inirapan lang siya ni Jensen.
Talaga tong dalawang to!
"Oh eh? Sino ba ang manok mo?" Tanong ni Lia kay Cj.
Tumingin muna siya sakin. "Tsaka ko na sasabihin pag naging sila na." Nakangising sabi niya habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
Roman d'amourMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...