WARNING!!!! MATURED CONTENT.
KAILANGAN NG PATNUBAY NG NAKAKATANDA!!!!! CHAROT!! AKO NGANG WALA PANG 18 AY NAKASULAT NG SPG!!! PERO NAGPA GUIDE NAMAN AKO!!! HAHAHAHAKUNG AYAW MO SA CHAPTER NA 'TO......
EDI WAG!! CHAROT HAHAHA
Chapter 39
Love
Wala ako sa sarili habang naglalakad pabalik sa loob. Lumalalim na ang gabi kaya wala na kong bisita. Nakaayos na din ang mga lamesa at upuan na nasa labas na naipasok na sa loob.
Tumingala ako para tingnan kung gaano kaganda ang buwan pati ang milyong-milyong bituin. Napaka ganda nilang pagmasdan.
Naalala ko kung pano ako samahan ni Denver nung nag away kami ni Darren. Ganito yung oras na sana ay si Darren ang kasama ko nung gabing yun.
Kakakatapos lang ang ulan pero nanatili kami ni Denver sa garden kung saan ako iniwan ni Darren. Muling tumulo ang luha ko dahil sa nangyari. Bakit siya naniwala? Bakit hindi niya ko hinayaang magpaliwanag? Bakit nagawa niya kong saktan ng ganito?
"Hey, let's go. I'll take you home. Baka magkasakit ka pa." Nag aalalang sabi ni Denver.
Suminghot ako bago tumingala at tingnan kung gaano kaganda ang langit. Parang hindi umulan dahil kumikinang na ang milyong milyong bituin at sinabayan ng buwan na nagsisilbing liwanag namin. Muling tumulo ang luha ko kaya dali-dali ko itong pinunasan. Yumuko ako para tingnan ang aking damit. Basang-basa ito at may putik na sa laylayan.
"Naniniwala ka bang ako 'yun?" Tanong ko kay Denver habang pinaglalaruan ang aking daliri.
"Nung napanood ko yung video kanina ay kamukhang kamukha mo talaga yung babae. Pero naniniwala akong hindi ikaw yun. Naniniwala ako sayong hindi mo yun kayang gawin."
Napangiti ako sa sinabi niya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil may naniniwala sakin bukod sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na siya ang maniniwala sakin imbes na yung taong akala ko na paniniwalaan ako dahil mahal niya ko pero nagkamali ako. Mamamatay ka nga sa maling akala.
Wala ako sa sariling sumakay sa kotse ni Denver. Siya ang nagkabit ng seatbelt ko dahil parang wala akong lakas na gawin yon. Tahimik lang siya buong biyahe kaya nakapagpahinga ako kahit sandali lang. Halos wala nang tao sa kalsada dahil hatiggabi na ata. Pero nananatiling maliwanag ang daan sa dami ng ilaw. Napatingin ako sa dalawang magkasintahan na masayang naghahabulan sa gilid ng kalsada malapit sa mini mart. Sinundan ko pa sila ng tingin bago sila nakalayo.
Nang makarating kaming bahay ay tinanggal ni Denver ang seatbelt ko. Lumabas siya ay siya na ang nagbukas ng pinto para sakin. Tipid ko siyang nginitian bago hawakan ang coat na nakapatong sa balikat ko. Ibibigay ko sana sa kaniya pero tumanggi siya.
"Keep it. Malamig dito sa labas at ang ungentelmen ko naman kung babawiin ko diba?" Aniya bago ngumisi.
Napangiti din ako bago siya paluin sa braso. "Pasok ka na. Ang lamig na dito sa labas. Baka magkasakit ka." Sabi niya. Bigla ko na lang siyang niyakap dahil sa kabaitan niya sakin.
"Thank you Denver." Sabi ko habang yakap siya.
Niyakap niya ko ng mahigpit kaya medyo nagulat ako. Isiniksik niya rin ng mukha niya nagulat ako ng husto.
"Sana ako na lang Mika.... ang sakit na makita kang umiiyak dahil sa kaniya. Babawiin kita sa kaniya kung sasabihin mo lang sakin na handa mo siyang kalimutan." Napatulo na naman ang luha ko sa sinabi niya. Naramdaman kong medyo basa ang leeg ko dahil sa luha niya. Sobrang higpit ng yakap niya kaya hindi ko magawang magpumiglas.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...