Chapter 40 (Back in Batangas)

9 0 0
                                    


Chapter 40

Back in Batangas

Naalingpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Kinusot-kusot ko ang aking mata at dumilat ng konti. It's already morning. Dumilat ng husto ang aking mata ng marealize kung anong oras na. Pero nanatili akong nakahiga. Kinakabahan pa kong kapain ang kama kung nakahiga pa si Darren. Pero nagulat ako ng wala siya. Umikot ang buo kong mata sa kwarto pero wala akong Darren na nakita.

Sabi ko na nga ba eh! Napaka tanga mo Mika!!

Babangon na sana ako pero napabalik ako sa higaan dahil sa sakit ng ibaba ko. Shit!

Kinabahan ako muli dahil baka mabuntis ako! What if, mabuntis nga ako? Tapos hindi niya ko panagutan because it's just a mistake for him? Naiiyak na agad ako sa katangahan ko.

Pinilit kong tumayo kahit na sobrang sakit niya! Dumeretso ako sa banyo na baka naroon siya pero bigo ako ng buksan ko ang pintuan.

Asa ka, Mika? Nakuha na niya ang gusto niya kaya iniwan ka niya!

Napalunok ako dahil sa katangahan na ginawa ko dahil bumigay ako. Hindi ko na kayang pigilan ang luhang gustong kumawala. Dali-dali ko itong pinunasan bago tuluyang linisan ang sarili.

Pag tapos kong magbihis ay lumabas ako at nagulat ako ng makita si Anne sa sofa. Tumayo siya ng makita ako.

"G-good morning Ma'am." Bati niya.

Tumango lang ako bago dumeretso sa pintuan. Bahagya akong lumingon muli sa kaniya ng hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.

Kumunot ang aking noo. "Bakit? May problema?"

"Hindi na po kayo k-kakain?" Nagtaka ako lalo dahil sa pagkabilasa niya.

"Hindi na." Simpleng sagot ko.

Hindi kaya, alam niya na magkasama kami rito ni Darren at may ginawa kaming milagro? Bahagya akong kinabahan sa naisip.

"K-kasi... Ma'am a-ano eh.." magpapatuloy pa sana siya pero pinigilan ko na.

"Tara na! Late na tayo!" Ginawa kong irita ang aking boses para matigil siya sa balak niyang sabihin! Jusko! Iniwan na nga ako no'n sa ere tapos malalaman pa ni Anne.

Sala sala siyang kumilos palabas. Sinundan ko naman siya papuntang elevator. Para na naman akong maiiyak sa nangyari kagabi, napaka tanga ko dahil bumigay ako sa kaniya! Naniwala na naman ako sa mga malalambing niyang bulong!

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya kayang tiisin! Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon! Pilit kong pinipigilan ang sarili kong kalimutan siya pero hindi ko magawa!

Nakuha niya yung matagal niyang gustong kunin sa akin! Kaya niya na 'kong iwan basta na parang laruan na gusto niya lang dahil bagong bili pero pag may makita siyang better ay iiwan niya na yung laruan.

Never naman akong naging better sa kaniya eh! Lahat ng nangyari five years ago ay isang kakunwarian lang!

Isinuot ko ang aking shades ng tumulo ang luha ko. Nakasakay na kami ng elevator pero hindi pa rin humihinto ang luha ko. Kinagat ko na ang aking labi dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon!

Ang sakit!!

"Ma'am, nasa sasakyan na po yung gamit ninyo." Sabi ni Anne na nasa unahan. Pinili kong sa likuran niya pumpwesto dahil baka makita niyang umiyak ako.

Pero mukhang nakita niya dahil lumingon siya sa'kin. Umiwas ako sa kaniya at pasimpleng pinunasan ang aking luha.

"Hala Ma'am! Umiiyak po ba kayo?" Tarantang sabi niya.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon