Prologue

60 3 0
                                    

"Passengers, please fasten your seatbelts for landing.Thank you for choosing our company as your airline today. Enjoy your stay in the philippines thankyou."

The plane was landing safely.

unti unting nagsibabaan ang paseherong kasabay ko.

"Hi maam, enjoy your stay in the philippines." nakangiting sabi sa akin ng isang stewardess na nasa pinto. Nginitian kolang siya bilang sagot.

Bumungad agad sa akin ang simoy ng hangin. I miss this, kinuha ko ang aking luggage at lumakad papuntang exit.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag para tawagan sana si kuya, pero nakita ko na agad ang cartolina na may nakasulat na "welcome back baby biik" na may drawing pa ng ilong na baboy. I giggled.

Alam ko na agad kung sino ang nagsulat niyan, it's kuya Brix. kahit kailan talaga napaka loko. Nung bata kasi ako napaka taba ko tapos ang liit ko pa kaya bagay na bagay daw ang baby biik saken letse! haha.

Ngumiti sila ng malapad ng makita akong papalapit sa kanila.

"Omg!!! Mika." tili ng pinsan kong si Lia. Tumakbo siya papunta sakin at mahigpit akong niyakap.

"Baby biik!!" tili ng isa ko pang pinsan na si Brix. Kalalaking tao tumitili haha.

Niyakap niya ko at hinalikan sa noo. Kahit pinsan lang nila ako tinuturing nila akong kapatid. That's why I love them so much. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Ba't ang sexy mo ah? Sanaol haha." nakangiting sabi niya saken. talaga to si kuya Brix napaka loko kahit kailan.

"Nag g-gym kasi ako doon." natatawang tugon ko.

"Takte ka! Porket nag states ka lang mas sumexy ka lalo, isang malaking sanaol!" mataray na sabi ni Lia. Talaga tong isang to napaka attitude.

Natatawang napa iling na yumakap sa akin si kuya Matthew at hinalikan din ako sa noo."let's go nag iintay na sila Mom sa babay."

Kumapit sa braso ko si Lia. "Ibang iba ka na girl! Pag galing break up talaga ay gumaganda ka." Ngumiti ako ng pilit. "Yung mga bakla hinahanap ka, hindi mo man lang sila kinontact." Seryosong sabi niya.

I'm feel sorry to them.

5 years na ang nakalipas sariwa parin saken ang nangyari. Masyado akong nasaktan kaya ni hindi ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko.

Muling nagbalik sakin ang lahat.

Kung pano niya ko kinamuhian.


Kahit sinaktan niya ko ay ganun pa din.


It's been a years but nothing's change





I'm still inlove with him.

-------------------------------------------------------------

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon