Laarni
"Bulaklak na naman?"
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala namang tao.
Pinulot ko ang bulaklak na nakalagay sa maliit na light brown basket. Kulay light pink ang mga petals nito na magkakapatong at magkakapareho ng sukat, pahaba na pabilog, samantalang color yellow naman ang bilog sa gitna. Binasa ko ang laman ng maliit na card na nasa tabi ng bulaklak.
LOTUS
Born from the mud. These blooms open in the morning and close again at dusk. It signifies RE-BIRTH.Kanino galing 'to?
Isinara ko na ang pinto at nilagay ko ang basket sa ibabaw ng counter kung saan nakalagay ang dalawang basket na may laman ding mga bulaklak. Last week ko natanggap ang mga bulaklak na ito. Noong Monday at Friday. Tuesday ngayon, ikalawang linggo sa buwan ng Marso.
Ano kaya'ng trip ng taong nagbigay ng mga 'to? Napabuntonghininga na lang ako at nagpunta sa banyo. Kailangan ko nang maligo para hindi ako ma-late sa trabaho.
NAPATITIG ako sa lumalabas na tubig mula sa shower. Kinikilabutan ako nang magsimulang dumaloy ang tubig sa katawan ko. Pakiramdam ko ay niyayakap ako ng tubig.
Sino kaya ang nagbibigay ng mga bulaklak at ano'ng rason niya?
***
"Kanina ka pa? Pasensya ka na, natagalan ako."
"Okay lang."
Sumakay na ako sa kotse ni Kiefer. Mag-bestfriend kami ni Kiefer mula noong nasa ampunan pa kami. Mas matangkad siya sa 'kin at maawtoridad ang tindig. Mahilig pumorma at maayos sa sarili. Kapansin-pansin ang malaking peklat sa noo niya na nakuha niya no'ng nahulog siya sa puno noong mga bata pa kami. Hindi na ito nawala dahil malalim ang naging sugat. Tinatakpan na lang niya ito ng buhok niya. Inampon siya ng isang mayaman na mag-asawa, samantalang ako ay naiwan sa bahay-ampunan.
"Okay ka lang? Tahimik ka." Dalawang beses na siyang napalingon sa akin.
"May natanggap na naman akong bulaklak."
Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. "Iba na 'yan. Baka may admirer ka."
Napabuntonghininga ako at napatingin sa labas ng bintana ng kotse.
"Sino naman? Ang creepy kaya."
"Malay mo naman, baka nahihiyang magpakilala."
Hindi na ako sumagot at hinayaan ko na lang na manaig ang katahimikan sa pagitan namin. Kung sino man ang nagbibigay ng bulaklak ay hindi nakatutuwa ang ginagawa niya.
Araw-araw ay dinadaanan ako ni Kiefer sa inuupahan kong apartment. May restaurant ang mga magulang niya at siya ang namamahala, samantalang ako naman ay isang chef sa restaurant nila. Very dedicated kami sa mga trabaho namin.
Kahit na may umampon na sa kanya noong mga bata pa kami ay naging kaibigan ko pa rin siya. Kailanman ay hindi niya ako kinalimutan. Nang makalabas ako ng ampunan noong eighteen years old ako ay tinulungan ako nina Mrs. Talavera at Mrs. Sulivan para makapag-aral ng Culinary Arts dahil mahilig akong magluto. Sila ang nag-alaga sa akin sa ampunan.
Naging tahimik kaming dalawa sa daan. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang mellow music sa car audio. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit, nare-relax ako sa tugtog at sa mint scent ng kotse ni Kiefer.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...