RANUNCULUS

126 12 58
                                    

"Tagal mo, pre! May bago raw tayong makakasama!" sabi ni Kiefer kay Lotus. Nagmadali papunta sa labas si Lotus kung saan ay naghihintay ang mga bata sa bago nilang makakasama. Nanggaling pa ito sa hospital dahil natagpuan itong walang malay sa labas ng orphanage.

Dumating ang itim na van na madalas sakyan ng mga bata sa pamamasyal. Bumaba si Mona at inalalayan niyang makababa ang pitong taong gulang na si Laarni.

Napanganga ang mga bata dahil sa taglay nitong ganda. Iniisip nilang parang batang artista na bumibida sa mga napapanood nilang palabas.

Pitong taong gulang pa lang siya, pero sa taglay niyang tangkad at kagandahan ay mukhang malapit na siyang magdalaga.

"Sa'n kaya siya galing?" tanong ni Lotus kay Kiefer. Hindi niya pinuputol ang paningin niya sa batang babae na may kulot-kulot na buhok.

Inilibot ni Laarni ang kanyang paningin. Sobrang lungkot niya, pero hindi niya alam kung bakit. Hindi pa rin siya nagsasalita mula no'ng minulat niya ang kanyang mga mata.

"Mayaman kaya siya? Mukha siyang mayaman na bata. Pero ba't nandito siya?" tanong ni Kiefer. Hindi naman na nakikinig si Lotus. Tumibok nang mabilis ang puso niya. Bukas ay ika-walong kaarawan niya at isa lang ang pumasok sa isip niya na hihilingin niya para bukas. "Sana, maging kaibigan natin siya."

🌸🌸🌸

"Kuya, gustong hanapin ni Mama si Rose. Ano'ng gagawin natin?"

Hindi na nabigla si Landon sa sinabi ni Lily. Nanatili itong tahimik habang pinaglalaruan ang lighter sa kanyang kaliwang kamay. "Bakit ba hindi niya makalimutan si Rose?"

Umupo si Lily sa tabi ni Landon. "Kuya, kinakabahan si Mama na baka may gawing masama si Rondeletia kay Rose. Ang hindi niya alam ay patay na si Rondeletia."

Kinuha ni Landon ang baso na may lamang brandy sa coffee table na nasa harapan nila. "Maraming taon na ang lumipas. Halos mamatay na siya, pero si Rose pa rin ang iniisip niya."

Hinaplos ni Lily ang likod niya. "Kuya, wala rin kasing nakasama si Mama bukod sa 'tin at ilang taon siyang nawala sa sarili niya. Natural lang na hanapin niya si Rose, 'tsaka itinuring na rin niyang anak si Rose noon."

Mabilis na ininom ni Landon ang laman ng snifter, 'tsaka niya ibinagsak na pinatong sa lamesa. "Ayoko na kasing masaktan si Mama. Hindi ko na kakayanin kung mawala siya ulit sa sarili niya."

"Naiintindihan kita, pero hindi naman natin hahayaang masaktan muli si Mama. Patay na si Rondeletia. Patay na ang babaeng kinamumuhian natin."

Hindi na sumagot si Landon. Lingid sa kanilang kaalaman ay nakatago sa gilid ng dingding si Linda at naririnig niya ang buong pinag-uusapan nila.

***

LAARNI

"Laarni, pinapatawag ka ni Sir Kiefer sa office," sabi ni Billy nang pumasok siya sa kitchen.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, pero naroon din si Sir Maximo," sagot ni Billy.

Ha!

Para akong nilubog sa yelo nang marinig ko ang pangalan niya.

"Okay ka lang ba?"

"O-oo, okay l-lang ako. Pupunta na ako." Hindi ko na tiningnan si Billy. Nanginginig ang aking mga kamay, pero kailangan kong magpakatatag. Bakit ako biglang nailang nang dahil sa sulat na iyon?

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon