HELIOTROPE

167 15 69
                                    


"Manganganak ka na sa susunod na buwan."

"Oo nga." Tipid na ngumiti si Rondeletia habang inaayos ang mga bulaklak.

"Hindi ka pa ba titigil sa pagtatrabaho?" Hindi alam ni Linda kung paano tatanungin si Rondeletia tungkol sa nakabuntis sa kanya. Nagulat na lang siya nang isang araw ay buntis na ang kaibigan.

"Hindi ko puwedeng pabayaan ang flower shop, ito lang ang bumubuhay sa akin."

Hindi na nakapagsalita si Linda. Malakas ang ulan at napatingin siya sa labas ng bintana. Mahimbing na natutulog ang kanyang anak na lalaki sa mahabang sofa. Hinihintay niya ang kanyang asawa na manggagaling sa trabaho upang sabay-sabay silang umuwi.

"Anong bulaklak 'yan?"

Napatingin si Rondeletia sa tinuro ni Linda.

"Heliotrope ang tawag diyan."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Linda. "Ang ganda."

Tipid na ngumiti si Rondeletia. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin niyan, Linda?"

"Ano?"

"Eternal love."

Napatitig si Rondeletia kay Linda. Inggit ang unti-unting nanunuot sa puso niya. Magkaibigan na sila mula pa noong pagkabata at sa iisang lalaki nahulog ang puso nilang dalawa, ngunit si Linda ang pinili ni Leo.

"Akala ko rose ang may meaning ng eternal love." Nakatitig pa rin si Linda sa mga maliliit na bulaklak.

"Ganyan talaga. Laging ang sikat kasi ang pinapansin, pero sa totoo lang ay marami ring magaganda." Bakas ang pait ng mga salita sa tono ni Rondeletia.

"Magaganda naman talaga ang mga rose. Sikat ito dahil napakaganda ng mga ibig sabihin nito at masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng rose, Rondeletia."

"Maliban sa isa, ang black rose."

"Pero at least wala naman talagang black na rose, kinukulayan lang iyon ng dye," muling saad ni Linda. Muli siyang napatingin sa mga Heliotrope.

Hindi naman na nagsalita si Rondeletia.

"Maaari ko ba 'yang isama sa aking pagluluto?"

Tumalikod si Rondeletia kay Linda 'tsaka ngumiti habang hinahawakan ang mga Heliotrope.

"Hindi . . . dahil maaari itong makapinsala sa . . . atay.

***

"Kailan kaya gagaling si Mama?"

"Hindi ko rin alam, Lily."

Napabuntonghininga si Lily. "Tama pa ba ang ginagawa natin, Kuya?"

Napalingon si Landon kay Lily. "Lumalambot ka na ba?" May pagbabanta ang tanong ng nakatatandang kapatid.

"Hindi sa gano'n, Kuya. Baka hindi na tayo maka-move-on at maubos na ang pera natin."

Muling bumalik ang paningin ni Landon sa kanilang ina. "Kahit pa maubos ang pera natin, sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay niya dahil sa ginawa nila kay Mama."

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon