HARLEQUIN

151 17 54
                                    


"Babae ang anak mo, Rondeletia!"

Hagkan ni Linda sa kanyang mga bisig ang isang napakagandang sanggol. Katatapos malinisan ng komadrona si Rondeletia. Umabot hanggang tainga ang ngiti ni Linda habang nakatitig sa bata, samantalang puno naman ng lungkot ang puso ni Rondeletia dahil hindi niya akalaing naipanganak niya ang isang batang bunga ng kapusukang walang pagmamahal. Maraming beses niya itong binalak na ipalaglag, ngunit pinigilan siya ni Linda.

"Rondeletia, tingnan mo, napakaganda niya." Dahan-dahang ibinaba ni Linda ang bata sa tabi ni Rondeletia, ngunit hindi ito nagawang tingnan ng ina.

Nakaramdam ng lungkot si Linda, ngunit ibinaon na lamang niya ito sa ilalim ng kaniyang puso upang hindi maramdaman ng bata na ayaw sa kaniya ng sariling ina. Hanggang ngayon ay walang ideya si Linda kung sino ang nakabuntis sa kaibigan.

"Ano'ng ipapangalan mo sa kaniya, Rondeletia?"

"Hindi ko alam, hindi pa ako nakapag-isip."

Napalunok sa kaniyang lalagukan si Linda. Hindi niya inaasahan ang sagot ng kaibigan.

"Maaari bang, ako na lang ang magbigay sa kaniya ng pangalan?"

"Bahala ka, okay lang." Hindi pa rin tumitingin si Rondeletia sa kaniya.

Binuhat na lang ulit ni Linda ang sanggol at hinagkan. Kasabay ng pagngiti niya sa bata ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Magmula ngayon, ang magiging pangalan mo ay . . ."

Lalo pa siyang lumuha dahil alam niyang hindi mamahalin ng kaibigan ang batang hinahagkan niya.

"Ang pangalan mo ay . . . Rose."

***

"Kuya, muntik na raw mawala si Mama."

Nagmadaling pumasok si Landon sa kuwarto ng kanilang ina. Nadatnan niya itong nakaupo at tulala sa bintana.

"Mama, bakit po kayo tumakas?"

Dahan-dahang napalingon ang kanilang ina kay Landon. May namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Nakita ko siya . . . nakita ko siya . . ."

Nanlamig ang buong katawan ni Landon. Mukhang kilala niya kung sino ang nakita ng ina. Napakuyom ang kanyang kamao at marahas na tumayo.

Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa ina 'tsaka nagmadaling naglakad palabas ng kuwarto.

"Kuya! Kuya, saan ka pupunta?"

Nagpunta sa front desk si Landon. Nanlaki ang mga mata ng mga nurses na naroon.

"Bakit n'yo siya hinayaang makatakas!"

"Sorry po, sir, hindi po na-i-lock ni Miss Santos ang kuwarto niya. Hindi na po ito mauulit."

Umuusok ang mga ilong ni Landon at tinitigan niya nang matalim ang tatlong nurses na nasa front desk.

"Make sure na hindi na ito mauulit, or else, lahat kayo ay mawawalan ng trabaho!"

***

Laarni

"Sunog!"

Hindi magkamayaw ang mga taong tumatakbo palabas ng mall. Hawak lamang ni Lotus ang aking kamay habang hinahanap namin ang fire exit. Nakatakip lamang ng panyo ang aking ilong.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon