"Mama, aalis na raw po sina Landon at Tita Linda."Tumigil si Rondeletia sa paglalagay ng bulaklak sa plorera. Nilingon niya ang anak na kasalukuyang nagsasanay magsulat. Lumapit siya sa lamesa kung saan nakaupo si Rose.
"Ano? Aalis sila?"
"Opo, Mama. Titira na raw po sila sa lola niya. Nalulungkot po ako, Mama."
Hindi pinansin ni Rondeletia ang huling sinabi ni Rose. Kailangan niyang gumawa ng paraan para pigilan sila.
'Hindi sila maaaring umalis! Kailangan munang mamatay ni Linda!' sambit niya sa kanyang sarili.
Nilingon niya ang anak habang nabubuo sa kanyang utak ang maitim na balak.
"Rose . . . gusto mo bang hindi na umalis si Landon?"
Lumiwanag ang mukha ni Rose. "Opo, Mama."
Napangiti si Rondeletia. "Susundin mo ang sasabihin ni mama."
"Okay po, Mama." Niyakap ni Rose si Rondeletia.
Hinaplos niya ang buhok ni Rose habang nakangiti.
"Good job, baby girl."
***
Laarni
"I didn't talk to anyone about bringing down the Villanuevas, particularly Lotus. Matalik na kaibigan ni Dad si Tito Benjamin. I will never do such thing. 'Tsaka, hindi dahil sinabi ko na hindi na tulad ng dati ang samahan namin ni Lotus, e gagawa na 'ko ng gano'n. It surprised me that Nina said that. And regarding Lotus's comment that perhaps she misheard it, I never had that discussion over the phone, for heaven's sake. Clearly she's making-up stories."
Hinatid ako pauwi ni Kiefer kaya naging daan ito para sabihin ko sa kanya ang sinabi ni Nina. Mabuti na lang at hindi naman ako nagkaroon ng allergy no'ng nahawakan ko ang mga dahon ng tansy kahapon. Inuuto na talaga ako ng sender na iyon.
"Furthermore, I am not familiar with the child. I'm quite busy in the restaurant. I have no time for stupid things."
Taimtim lang akong nakikinig sa kanya. Tulad ni Lotus ay walang kabuhay-buhay ang mga mata niya. Subsob sa trabaho at kulang sa tulog ang idinadaing ng kanyang mukha.
"Naniniwala ako sa 'yo, Kiefer."
Humigop siya ng kanyang kape. "
"I will never give you flowers para takutin ka. You are the most important person to me."
Natulala ako. Nakokonsensya tuloy ako na pinagdudahan ko siya.
"Damn."
Sandali kaming tumahimik. Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng utak para mag-isip.
Inilibot ni Kiefer ang kanyang paningin. "About pala sa apartment mo, nakausap ni Mommy si Tita Jane."
Si Tita Jane ay kaibigan ni Tita Thalia. Siya ang may-ari nitong inuupahan kong apartment. Nasa ibang bansa siya kaya ang kapatid niya ang kumukuha ng binabayad kong renta.
"May nagpa-reserve ng katabi mong apartment. Nagbayad daw 'yong tao through cheque. Nagtataka si Tita Jane dahil hanggang ngayon ay wala pa rin 'yong lilipat pero tuloy-tuloy lang ang bayad niya kay Tita Jane. May nilagay raw na gamit diyan at nag-set ng date 'yong lilipat kaso its been months, pero wala pa ring nakatira d'yan."
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...