"Ano'ng ginagawa mo rito? Wala ngayon si Linda."Hindi gustong itago ni Leo ang kanyang inis sa babaeng nasa harapan niya ngayon.
"Ikaw ang sadya ko, Leo. Dinalhan kita ng mga bulaklak. Camellia ang tawag sa mga 'to at galing pa itong Manila."
Huminga nang malalim si Leo. "Hindi mo ba talaga ako titigilan? 'Tsaka, aanhin ko 'yang mga bulaklak mo? 'Di ba may anak ka na? Sinabi sa 'kin ni Linda na sinasaktan mo ang anak mo!"
Napanganga si Rondeletia. Bumabaliktad ang sikmura niya dahil siya ay napahiya. "Hindi totoo 'yan, mabuti akong ina, n-nagsisinungaling si Linda."
Lumapit si Rondeletia upang hawakan ang mga pisngi ni Leo, ngunit agad siyang itinulak nito kaya naitapon ang mga bulaklak ng Camellia sa lupa.
"Tumigil ka na! Huwag mong hintayin na sabihin ko kay Linda lahat ng pinaggagagawa mo!" May diin ang bawat sinasabi ni Leo. "Nakiusap ka na sa akin noon, 'di ba? Pasalamat ka at hindi ko sinabi kay Linda ang mga pang-aakit mo. Mahal ko siya at kailanman ay hindi kita papatulan!"
Pumasok si Leo sa loob ng bahay at isinara nang malakas ang pinto.
Napaupo at gumapang si Rondeletia sa lupa upang pulutin ang mga bulaklak habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Nanginginig ang kanyang mukha na napatitig sa mga Camellia. Tila nabago ang ibig sabihin ng Camellia sa kaniyang puso . . . mula sa pagmamahal hanggang sa . . . poot.
'Hayop ka, Linda!'
***
Laarni
"Ang tagal mo, chef. Patapos na ang party."
Naabutan ko rito sa labas si Billy.
"Hindi kasi ako nakaalis agad sa opital. Nasa'n sina Larry?"
Naririnig ko na ang malakas na music dito sa labas ng mansyon ng mga Alfonso.
"Nasa loob sila, ikaw na lang ang wala. Kanina ka pa raw tinatawagan ni Sir Kiefer."
Hindi ako nakapag-charge ng phone dahil galing ako sa ospital.
"Sige, papasok na 'ko."
Tinaas lang niya ang kamay niya at nag-thumbs-up.
Malawak ang garden kung saan ginaganap ang 28th birthday party ni Kiefer. Naglakad ako sa mahabang arbor na pinuno ng napakaraming outdoor lights.
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon si Lotus. Pinilit niya akong pumunta ngayon sa birthday ni Kiefer.
NANG makarating ako sa dulo ay bumungad sa akin ang napakaraming tao. Karamihan ay mga kakilala at business partners ng mga Alfonso. Ang mga chef ng Alfonso's Kitchen ang nagluto at naghanda ng lahat ng pagkain na kinakain ng mga tao.
"Chef!" Agad akong napalingon nang may pamilyar na boses ang tumawag sa 'kin. Palapit sina Amber, Luna at Nina.
"Ang ganda mo ngayon, chef! First time kitang makita na nagsuot ng halter dress," sambit ni Amber 'tsaka niya ako niyakap.
"Oo nga, mare. Ang ganda mo ngayon," dagdag naman ni Nina.
Pinilit kong ngumiti kahit na nahihiya ako. Sa totoo lang ay regalo sa akin ito ni Kiefer noon, pero hindi ko pa nasusuot dahil hindi ako mahilig sa mga ganitong damit. Nasasayangan naman ako kung itatago ko lang.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...