Laarni
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Kagigising ko lang at narito ako ngayon sa isang private room ng hospital. Nakaupo si Kiefer sa upuan na katabi ng aking kama. Nilibot ko ang aking paningin, pero hindi ko nakita si Lotus. Aaminin kong, bigla akong nalungkot. Hindi naman mabigat ang katawan ko at wala naman akong nararamdamang iba.
"Maayos naman na."
"Hey, gusto mo bang kumain?"
Umiling-iling ako at ngumiti. "Hindi muna. Ano'ng nangyari sa akin?"
Tipid siyang ngumiti. "May allergy ka pala sa lavender. Don't you know about it?"
Ha?
"Allergy? Hindi ko alam."
"It's okay . . . ang mahalaga ay maayos ka na ngayon. Mabuti at nakatulog ka rin kagabi para nakapagpahinga ka. Puwede ka na raw ma-discharge mamaya."
"Nasa'n si Lotus?"
Sandali siyang natahimik. Nawala ang kaunting ngiti sa mukha niya. "May mahalaga siyang gagawin sa office."
"Gano'n ba." Hindi ko maiwasang maging malungkot.
"Sasamahan na lang kita hanggang makalabas ka mamaya."
Pinilit kong ngumiti. "Salamat, Kiefer."
***
"Tulala ka na naman."
"Hindi naman."
Napabuntonghininga si Larry. "Kanina pa nga ako nagsasalita, pero lumilipad na naman ang isip mo. Ano ba kasi ang iniisip mo?"
Ako naman ang huminga nang malalim. "Hindi kasi ako dinalaw ni Lotus kahapon sa ospital, tapos si Kiefer ang naghatid sa akin kanina kasi busy raw siya."
Sinabi ko kay Larry na nasa ospital ako kahapon dahil tumawag siya. Gulat na gulat siya na may allergy ako sa lavender. Ang sabi niya ay very rare kasi ang cases ng mga taong may allergy sa lavender. Ang sabi naman ng doctor ay rare but possible.
Bigla siyang tumawa nang mahina. "Ang gusto mo pala ay si Sir Lotus ang nagbantay sa 'yo kahapon at naghatid sa 'yo ngayon. Mukhang may ibang ibig sabihin na 'yan."
Nanlaki ang aking mga mata. "H-hindi sa gano'n! Ang ibig kong sabihin ay hindi na siya nagpakita sa akin mula no'ng dinala ako sa ospital."
"Excuse me."
Napalingon kami ni Larry nang may nagsalita.
Nasa pintuan si Lotus at tila tumigil ang mundo sa aking paligid nang bigla siyang nagsalita.
"Can I talk to you, Laarni?"
***
"I'm sorry, nagkaroon lang ng emergency kahapon."
Pinilit kong ngumiti para itago ang nararamdaman kong lungkot.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...