GARDENIA

186 17 61
                                    

Laarni

Dalawang araw na akong hindi kinikibo ni Kiefer. Palagi lamang siya sa opisina at hindi na rin niya ako tinatawagan. Gusto ko sana siyang kausapin, pero ayaw ko naman na ma-bad trip siya.

"Tulala ka na naman," pansin ni Larry.

Hindi na sinabi ni Kiefer sa mga kasamahan ko ang nangyaring grease fire.

"Medyo masama kasi ang loob sa akin ni Kiefer."

Narito kami sa isang coffee shop habang pinapanood namin ang mahinang ulan sa labas. Tanghali pa lang, pero madilim na ang kalangitan. Day-off ko ngayon kaya wala ako sa restaurant, samantalang may pasok naman si Larry pero nag-leave siya. Sinamahan ko siyang magpa-check-up dahil parang nanlalabo ang kanyang mga mata. Mabuti na lang at pumayag si Sir Colton na magsabay kaming hindi pumasok. Sina Amber at Luna muna ang bahala sa stations namin.

"Nag-away kayo?"

Paubos na niya ang blueberry cheesecake na palagi niyang in-o-order sa tuwing nagpupunta kami rito. Nagbago siya ng hairstyle. Ang sabi niya ay quiff ang tawag sa bago niyang gupit na buhok.

"May nangyari kasi." Napahawak ako sa mahaba kong palda.

"Ano'ng nangyari?"

Bumuntonghininga ako.

"Noong Lunes ng gabi ay nagkaroon ng grease fire sa kitchen. May naiwang pinipritong manok. Inisip ni Kiefer na baka naiwan ko iyon dahil ako ang nagluluto ng mga chicken recipes, pero sigurado akong hindi ako nagluto noong mga oras na 'yon."

Napanganga siya kasabay ng pagbilog ng kanyang mga mata. "Ano? Nagkaroon ng sunog?"

Uminom muna ako ng mainit na kape bago nagsalita. "Oo, mabuti na lamang at naroon si Lotus kaya naagapan agad."

Malalaki pa rin ang mga mata niya. Maski siya ay  nagtataka. "Pa'no nangyari 'yon? Ang alam ko ay nagligpit pa ang mga janitors 'tsaka hindi na tayo nagluluto ng late night."

"Hindi ko rin alam." Naunang umalis noon sina Larry at Billy kasama ang mga ibang chefs. Naiwan kami ni Nina at mga kitchen staffs

"Ano'ng sinabi mo kay Sir Kiefer? Sana sinabi mong hindi ikaw ang nakaiwan ng niluluto."

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ako nakapagsalita dahil may tama na sa akin ang champagne na ininom namin."

"Gusto mo bang kausapin ko siya? Sasabihin ko na hindi ka na nagluluto ng gabing gabi."

"'Wag na." Hinila ko ang aking kamay. "Bibigyan ko muna ng panahon si Kiefer."

"Okay ka lang ba, Laarni?"

Tumingin ako sa labas dahil lumakas na ang ulan.

"Okay lang ako."

***

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Kararating ko lang sa apartment ko at ang sasakyan ni Lotus ang bumungad sa 'kin. Agad siyang lumabas ng kotse nang makita niya akong naglalakad.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon