Laarni
"What happened, Mr. Alfonso?"
Mababakas ang pagkadismaya sa mukha ni Mr. Villanueva. Narito kami ngayon sa hospital dahil isinugod ang napakaraming bisita kanina. Ang akala naming magandang event ay nagmistulang bangungot na ngayon.
"I'm sorry, sir. I will make sure to conduct an investigation."
Katabi ko si Sir Colton na kanina pa paulit-ulit na sumusuntok nang pasikreto sa dingding. Kanina pa siya nagngingitngit sa galit na 'di niya mailabas. Hinahanda ko na ang sarili ko sa mga sasabihin niya.
Narito rin ang event organizer ng pamilya nina Kiefer.
Sari-saring mga reklamo ang narinig namin kanina mula sa mga bisita at gusto nila kaming managot sa nangyari sa kanila. Karamihan sa kanila ay sumakit ang tiyan, may mga nahilo at may mga nagsuka. Ang lalaking bumagsak sa harapan namin kanina ay kasalukuyang nasa Emergency room at hinihintay namin ang mga laboratory results.
"Well you should! Pinagkatiwalaan ka ng anak ko, Mr. Alfonso. I hate to say this, but such negligence was inexcusable!" Hindi naman sumisigaw si Mr. Villanueva, pero madiin ang kaniyang pagkasabi. Pigil na pigil siyang magbitiw ng mas masakit pa na salita. Ayaw ko siyang tingnan sa mata kaya sa makinis niyang ulo na wala ng buhok sa gitna ako nakatingin.
Napatingin siya kay Sir Colton. Medyo nagtagal ang mga mata niya sa executive chef hanggang sa matuon ang paningin niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang iyuko ang ulo ko dahil sa hiya.
"I'm very disappointed, Mister Zamora and Miss Cueva."
Hindi na ako nakasagot dahil naglakad na siya palayo. Parang umulit-ulit sa tainga ko ang sinabi niya.
Umupo si Kiefer sa hilera ng mga upuan. Ang kanyang mga siko ay nakapatong sa kaniyang mga binti habang nakahawak sa kanyang ulo. Nakayuko lamang siya at alam kong mabigat ang pakiramdam niya. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
Sa totoo lang ay ngayon lang ako nabigyan ng chance na maging assistant ng executive chef dahil kay Lotus. Alam kong hindi ko deserve dahil mas magaling naman ang ibang chef na kasama namin. Ito na nga lang ang chance ko na mapataas din ang estado ko pagdating sa industriya ng pagluluto . . . na baka sakaling mas makilala kami at makagawa rin ako ng sarili kong pangalan na hindi kailangang nakasunod sa anino ni Kiefer, pero hindi ko nagawa.
Kung tutuusin ay mas magaling pa si Larry na magluto kaysa sa 'kin. Mas malawak ang kaalaman niya at experience, pero assistant ko lang siya dahil nilagay agad ako ni Kiefer sa pedestal. Masakit ding makarinig minsan ng mga bulungan at tsismis na ako ay isang hamak na kababata lamang at hindi dumaan sa hagdan, hindi tulad ng iba na mas maraming experience kaysa sa 'kin, pero hirap na hirap sa pagtaas. Tinanggap ko ang lahat ng tulong ni Kiefer dahil gusto kong makaipon ng maraming pera. Hindi ko gustong yumaman nang sobra, ang gusto ko lang ay magkaroon ako ng sapat na pera para mahanap ko kung sa'n ba ako nagmula.
Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko, pero bukod tangi ang hiya dahil nabigo ko ang mga kaibigan ko.
"I-I'm sorry, Kiefer."
Napatingin siya sa akin at may namumuong luha sa magkabilang mata niya. "Ano'ng nangyari? Akala ko maayos na ang lahat? Bakit sumakit ang mga tiyan nila?" Malumanay, pero may kaakibat na bigat ang boses niya.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...