"Anong bulaklak 'yan, Rondeletia?""Bulaklak ito ng Azalea."
Lumapit si Linda kay Rondeletia. "Ang gaganda. Ito yata 'yong bulaklak na para sa pamilya."
Natutuwang pinagmamasdan ni Linda ang mga kulay rosas na bulaklak na may mababang palumpong at masagana sa mga sanga.
Tahimik lamang si Rondeletia habang inaayos niya sa magandang plorera ang mga Azalea. Hinawakan ni Linda ang mga makikinis na talulot nito ngunit natanggal ang dalawang bulaklak sa tangkay.
"Hala! Sorry, Rondeletia."
Ngumiti lamang si Rondeletia na nakatingin lamang sa bulaklak. "Bukod sa pamilya, sumisimbolo rin ito ng fragile love dahil sa pagiging maselan ng bulaklak na ito."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Napatingin si Rondeletia kay Linda. "Ang pagmamahal, kahit buo at totoo pa ito ay maaari pa ring masira. Kahit gaano pa kaganda ang pagsasama, kapag sinubok na ito ng problema, maaari itong mawala."
Sandaling natulala si Linda. Naglakad na siyang muli pabalik sa kinauupuan niya kanina. "Hindi rin. Siguro nga ganyan ang ibig sabihin ng bulaklak na 'yan, pero naniniwala pa rin ako na may mga samahan na matatag. Tulad ni Leo . . . madedestino na siya sa malayo sa susunod na linggo, pero kahit magkalayo kami, alam kong matatag ang pagsasama namin."
Biglang kinabahan si Rondeletia. Namilog ang kanyang mga mata. Hindi niya gustong lumayo si Leo.
"Bakit? Saan siya magtatrabaho?"
"Sa Maynila. Bihira na lang siyang uuwi."
"Paano kung mambabae siya roon?"
Kumurap nang maraming beses ang mga mata ni Linda. "Malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon."
Hindi na nakaimik si Rondeletia at muling inayos ang bulaklak ng Azalea, samantalang pinagmasdan naman ni Linda sina Landon at Lily na nakikipaglaro kay Rose. Muling nabaling ang kanyang paningin sa mga Azalea.
"Ang ganda ng plorera na pinaglagyan mo. Puwede rin kaya akong magpadala ng ganyan kay Inay?"
"Oo naman. Ilagay natin sa itim na plorera para mas tumingkad ang kulay nila."
Tumango lamang si Linda, samantalang napangiti naman si Rondeletia.
Lingid sa kaalaman ni Linda ay may ibig sabihin ang bulaklak ng Azalea na nakalagay sa itim na plorera. . . at siya lamang ang nakaaalam.
***
Laarni
Azalea flower is very toxic when ingested. They represent 'FAMILY'. It can easily fall off the bush when we touch it, that's why it also symbolises 'FRAGILE LOVE'.
Azalea flowers have positive connotations but once used in death threats, the flowers do have a dark side. Don't send someone a bouquet in a black vase because it means 'Death threat' and 'Bad luck'', UNLESS you want to scare them!Napatingin ako sa bulaklak na nakalagay sa aking pintuan. Kulay black ang vase nito. Agad ko itong kinuha at itinapon sa basurahan.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...