Laarni"How are you feeling?"
"Maayos naman na." Huminga ako nang malalim 'tsaka napapikit. Hindi ko na alam paano pa gagaan ang pakiramdam ko.
Napatitig ako sa puntod ng nanay ko. Inalayan namin siya ni Lotus ng bulaklak.
Maulap ang kalangitan, parang umaayon ito sa nararamdaman ko ngayon. "Naging malaya na ang pagkatao ko, pero aaminin kong mas masakit na ngayon ang nararamdaman ko."
Yumuko ako at inilagay ang mga binili naming mga pulang rosas kasama ng tatlong kandila.
"Mahal na mahal ko si Mama. Sa kabila ng mga nangyari ay nangungulila pa rin ako sa pagkawala niya."
Tumayo ako at lumapit sa akin si Lotus. "You're a good daughter. Please, be strong."
Nginitian ko siya, 'tsaka ko hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung paano ako kung wala siya.
"Oo."
Inalis niya ang kaunting buhok na napunta sa mata ko nang humangin nang malakas. Magkaharap kami habang dumaraan ang sariwang hangin sa pagitan namin. Magaan ang lahat ng bagay kapag kasama ko siya. Kahit mabigat ang nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko ay nariyan lang siya at handa akong tulungan. Masasabi kong, hindi ko lang siya boyfriend, buhay pa rin ang pagkakaibigan namin.
Hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin kahit na . . . ako ang nakapatay kay Mama. Nais niyang maka-move-on ako at magkaroon ng tahimik na buhay kasama siya.
"Lotus . . . maraming salamat sa lahat."
***
"Thank you sa pagdalaw."
Hindi makatingin nang diretso sa akin si Larry. Nang makabalik kami rito sa Pampanga ay agad siyang pumunta sa police station. Isinuplong niya ang kanyang sarili kahit na hindi ko siya kinakasuhan. Napakiusapan ko rin si Papa na hayaan na lang si Larry. Galit na galit din si Lotus, pero nagawa ko siyang pakalmahin. Pumunta si Larry sa police station at umamin sa kanyang mga kasalanan. Sinabi niyang siya ang dahilan ng sunog sa mall noong nanood kami ng sine ni Lotus. Siya rin ang nasa likod ng food poisoning noong Welcome Party ni Lotus. Inutusan niya sina Nina at Billy para lagyan ng pesticide ang Scallop Salad in a Tulip. Kahit hindi na nagsampa ng reklamo si Kiefer dahil sa pakiusap ko, inako pa rin ni Larry ang kasalanan. Inako rin niya ang pagpapatulog sa mga tauhan ng Alfonso's Kitchen noong araw na umamin siya bilang si Landon, pati na rin ang pagbaril niya nang paulit-ulit sa kotse ni Lotus. Sinabi rin niyang ang mga ipinapadala niyang bulaklak ay binibili niya sa iba't ibang flower shops, minsan sa probinsya, minsan din ay in-o-order ng pinagbibilhan niyang flower shop sa abroad. Ang mga card naman ay pini-print niya sa kanilang bahay. Wala na akong balak kasuhan siya at baka makulong lang siya sa sandaling panahon.
Si Billy naman ay pinauwi na ni Larry sa probinsya kasama ang kanyang mga batang pinsan. Isang linggo na ang lumipas, pero hindi ko pa nakakausap sina Nina at Nanay Linda.
"Laarni, hindi mo na ako kailangang puntahan dito. Marami akong kasalanan sa 'yo, hayaan mo na 'ko rito," nahihiya niyang pagkasabi. Nakayuko lamang ang kanyang ulo.
"Pinapatawad na kita," sambit ko. Napaangat ang kanyang mukha. May namumuong luha sa mga mata niya. "Pero . . . ito na ang huling pagkakataon na dadalawin kita."
"Laarni . . ."
Hindi pumipikit ang mga mata niya. Tulala lamang siya na nakatingin sa akin, pero alam kong may gusto pa siyang sabihin.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...