Laarni
"Good morning."
Natulala ako sa pagdating ni Kiefer. Nakasuot siya ng blazer sa ibabaw ng black shirt at black slacks. May dala siyang box ng cake.
"A-akala ko, si Lotus na ang magsusundo sa 'kin?"
"May meeting sila kaya kailangang maaga siya ngayon." Tipid siyang ngumiti.
"Pasok ka muna."
Maaga pa kaya kumakain pa lang ako ng almusal. Nagtungo ako sa kusina at sumunod siya sa akin, tila nahihiyang magsalita muli. Nilagay niya ang box ng cake sa table. Kukuhanan ko sana siya ng plato nang maramdaman ko siya sa likuran ko.
Humarap ako sa kanya at hindi ako nakagalaw nang bigla niya akong niyakap. Ang mga kamay niya ay huminto sa ibabang parte ng likod ko.
"I want to apologize for disregarding your feelings. I'm not ignoring you, binigyan ko lang ng time ang sarili ko. I'm sorry sa lahat ng nasabi ko. I'm sorry," malumanay niyang pagkasabi habang yakap-yakap ako.
Hinaplos ko nang marahan ang likod niya. Binitiwan niya 'ko, pero hindi pa rin siya umatras. "Hindi ako galit sa 'yo. I'm sorry din."
Lumawak ang ngiti niya.
"Kumain ka na ba?"
"Yeah." Naglakad ako papuntang table at sumunod din siya. Hindi ko na nakuha 'yung plato kanina. Hinila naman niya ang upuan sa tapat ko.
"Hindi ako ang nagluluto noong mga oras na 'yon."
"Yeah, I believe you. May nakatakip sa CCTV that time kaya hindi ko alam kung sino ang gumawa no'n."
"So plinano 'yon?"
Huminga siya nang malalim. "Yes. Maybe."
Tumango lang ako 'tsaka tipid na ngumiti.
"Let's forget about it, Laarni. Sa Sunday na pala tayo magtatanong tungkol sa mga batang nag-iiwan ng flowers. Nakatanggap ka ba ulit?"
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Paano ko ba i-e-explain sa kanya na nawala ang bulaklak sa counter? Baka isipin niya na nagkakamali na naman ako?
"Card lang ang ibinigay sa akin at nakalagay ito sa side table sa kuwarto ko. Dumalaw si Lotus noong Wednesday at kapareho ng dala niyang bulaklak ang nakalagay sa card."
Kumunot ang noo niya. Pinili ko na lang na hindi sabihin ang tungkol sa nawalang bulaklak.
"Sinabi mo na ba ito kay Lotus?"
"Hindi . . . hindi pa."
"Tell him." Sumandal siya sa upuan habang nakatitig sa 'kin.
"Sa tingin mo, kailangan ko bang sabihin?"
Bumuntonghininga siya at umusog paharap.
"Oo, you should trust him."•••••
"Ano'ng sinabi mo?"
"Sinabi kong oo."
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...