CALLA LILY

129 13 56
                                    


"Mama, bakit n'yo po 'yon ginawa kay Landon? Kailangan din po nating tulungan si Tita Linda pati na rin po sina Lily at ang kanilang lola!"

Mabilis na inilalagay ni Rondeletia ang kanilang mga damit sa malaking bag. Tatakas na sila bago pa sila matunton ng mga pulis.

"'Wag ka nang matanong! Magpalit ka na ng damit!"

"Sa'n po tayo pupunta, Mama?"

Umiiyak pa rin si Rose habang pinapanood ang kanyang ina na pinupuno ng damit ang malaking bag.

"Mama, pa'no po sila? Pa'no po si Landon?"

Napatigil si Rondeletia sa kanyang ginagawa. "Hindi ka ba nakakaintindi? Aalis na tayo! 'Wag kang tanong nang tanong!"

Umiiyak si Rose na naglakad patungo sa kanyang kuwarto. Napilitan siyang magpalit ng damit. Labag sa loob niya na iwan sina Landon lalo't nakita niya ang ginawa ng ina.

NANG matapos sila ay lumabas na sila ng bahay. Naiwan ang mga sari-saring bulaklak na paninda ni Rondeletia. Hindi pa rin humihinto sa pag-iyak si Rose habang tinatanaw ang kanilang bahay at ang tindahan ng bulaklak.

Hila-hila siya ng kanyang ina habang umiiyak na nakatingin sa karatula.

BLOOM Flower Shop

***

"May ipinagtapat si Dad kagabi."

Hinatid ako ni Kiefer pauwi. Buong araw ko siyang hindi nakita dahil nasa loob lamang siya ng kanyang opisina. Ang tahimik ng paligid habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Akala ko ay aalis na siya agad kanina, pero umupo muna siya. Naka-open ang aircon kaya medyo lumalamig na ang paligid namin.

"Ano'ng ipinagtapat niya?"

Napapikit siya 'tsaka siya huminga nang malalim at bumuga ng hangin. Nakatingin siya sa coffee table. "Kinausap niya kami ni Mommy. Inamin niya na matagal na siyang may pinapahanap na babae, and it was Rondeletia. Bago pa sila kinasal ni Mom, he met this woman in a bar."

Napabuntong-hininga siya. "He told us that he just wanted to see Rondeletia at hindi niya balak guluhin pa ang buhay n'ya. . . . . . When Mom asked him who was Rondeletia, Dad just casually answered that it was his first love."

"B-Bakit naman iyon inamin ni Tito?" Pakiramdam ko ay umusbong ang bagong kirot sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"He wants to be honest with Mom. The unresolved matter between him and that woman keeps bothering him. Rondeletia gave birth to a child as a result of their alleged one-night stand, which ended up being revealed by his private investigator. He wants to find the child because Rondeletia is already dead."

Dead?

Dead. . .

Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang sinabi niya na patay na si Rondeletia.

Sino ba ang babaeng 'yon at nakararamdam ako ng matinding kirot kapag naririnig ko ang pangalan niya?

Nakapatong ang mga siko niya sa magkabilang hita niya. Nakahawak lamang siya sa kanyang ulo at alam kong nabibigatan siya sa sitwasyon niya.

"Ano'ng sabi ni Tita Thalia?"

Ibinaba niya ang mga kamay niya at humarap sa 'kin.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon