"Kumusta na ang pakiramdam mo, Linda?"Isang buwan na ang dumaan mula nang mailibing si Leo, pero hindi pa rin bumabalik sa dati si Linda. Hanggang ngayon ay sarado pa rin ang karinderya dahil hindi siya makapagluto nang maayos. Nagbibigay naman ng pera sa kanila ang ina ni Leo upang may panggastos pa rin sila.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Leo," naluluhang pagkasabi ni Linda.
Napahawak nang mahigpit si Rondeletia sa kanyang dalang bulaklak. Mula nang mamatay si Leo ay nabaon na rin ang natitirang pagmamalasakit niya para kay Linda. Sinisisi niya si Linda sa pagkamatay ni Leo at gusto niyang maghiganti.
"Dinalhan kita ng bulaklak." Ngumiti si Rondeletia, ngunit sa likod nito ay ang maitim niyang balak. "Sana gumaan na ang pakiramdam mo."
Inabot niya kay Linda ang bulaklak ng Cyclamen. Pinilit ngumiti ni Linda habang tinatanggap ang bulaklak.
Ang buong akala niya ay nagmamalasakit si Rondeletia sa kanya. Sumisimbolo ang bulaklak na ito ng isang pamamaalam . . . at ang paghihiwalay nina Leo at Linda. Inamoy niya ito at nalanghap niya ang pambihirang amoy ng bulaklak. Ang hindi niya alam ay punong-puno ito ng inhalants na inilagay ni Rondeletia. Nakaaapekto ito sa pag-iisip ng isang tao.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo, Rondeletia. Maraming salamat."
***
Laarni
Cyclamen - is a petite flowering plant that has sweet-scented, small blooms on long stems that stretch up above the foliage. This flower is one of the flowers brought in cemeteries to honor the dead. During funerals, they bring peace to mourning relatives. It symbolizes GOODBYE!
Mas malakas ang pagtibok ng puso ko, kumpara noong nakatatanggap ako ng mga naunang mga bulaklak. Bakit parang mas nakakatakot na ang mensahe ng card? Day-off ko ngayon at ito ang unang araw ng therapy ko.
Sana naman ay matapos na ito.
***
"Base sa kuwento mo noong unang punta ninyo rito ay bigla ka na lang nakakakita ng mga dugo. Mga ilang minuto mo itong nakikita?"
Tumitig ako sa kulay cream na dingding habang inaalala ko ang mga pangyayari. "Hindi po siguro umabot ng minuto dahil mabilis din pong nawawala kapag nagugulat na po ako."
Tumango-tango ang doktora at nagpatuloy siya sa sinusulat niya.
"Doon muna tayo sa nakaraan mo, maaari mo bang ikuwento sa akin ang naaalala mo noong bata ka?"
Tumango ako nang mabagal. "Ang natatandaan ko lang po ay 'yong mga pinagdaanan ko sa orphanage."
Muli siyang nagsulat. Tipid lang ang pagngiti niya, pero magaan ang aura niya.
"Ilang taon ka nang mapunta ka sa orphanage?" Malumanay ang boses niya kaya magaan ang loob kong magbabahagi sa kanya ng tungkol sa akin.
"Seven years old po ako nang matagpuan ako sa labas ng orphanage. Wala raw po akong malay at walang pagkakakilanlan. Akala nila ay isa ako sa mga street children, pero dahil unconcious ako ay dinala nila ako sa ospital. Ilang araw daw po akong tulog sa ospital at nang magising ako ay wala na po akong naaalala. Magmula noon ay sa orphanage na ako tumira. Binigyan nila ako ng apelyido na naaayon sa batas. Hanggang ngayon ay wala pa rin po akong maalala tungkol sa childhood ko."
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...