CARNATION

459 28 65
                                    

Laarni

The carnation is a widely used flowering plant in boutonnieres, corsages, and floral arrangements.. The meaning behind it?
IT DEPENDS UPON THE COLOR.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng basket. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, wala akong makitang tao. Ano ba talagang trip ng taong nagbibigay nito?

Lunes ngayon, pero madaling araw pa lang ay gising na ako dahil nakalimutan kong ilabas ang basura kagabi. Isang bulaklak ang bumungad sa 'kin sa labas ng pintuan. Madilim pa ang paligid dahil alas kuwatro pa lang ng umaga.

Pumasok ako dala ang bulaklak at inilagay ko sa tabi ng mga naunang bulaklak na iniwan din sa pintuan ko no'ng nakaraang linggo. Nalanta na ang iba, pero hindi ko pa rin tinatapon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may nagsasabi sa aking isip na 'wag itapon.

Napatingin ako sa bagong dating na bulaklak. Color yellow ang mga petals na parang kulubot ang mga dulo. May nakita na akong ganito noon. Binigyan ako ni Kiefer ng bouquet of light red Carnations noong nakaraang birthday ko.

Pumasok na ako sa kuwarto at humiga muna ako dahil maaga pa. Napatingin ako sa paligid ng kuwarto. Magmula no'ng nakatanggap ako ng bulaklak ay hindi na naging maganda ang atmosphere rito. Hindi ba dapat ay gumagaan ang loob ko dahil sa mga bulaklak?

Pumikit ako, pero nagpakita sa aking isipan ang yellow Carnation.

Bakit gano'n? Ano ba ang ibig sabihin ng bulaklak ng Carnation?

***

"Ano'ng lasa?"

"Ang sarap, Larry."

Pinatikim niya sa akin ang kakaluto lang na Pork Sisig.

"Iba talaga ang level ng lasa ng mga luto mo. P'wede ka ng mag-asawa." Alam kong ramdam niya ang saya ko. Tuwing natitikman ko ang mga niluluto niya ay parang dumidiretso agad sa puso ko. Hindi lang kasi masarap. May distinct taste siya na alam ko na agad na siya ang nagluto kapag natikman ko.

Napabungisngis siya. "Ikaw talaga, napakabolera mo. Wala pang nakapapansin ng kaguwapuhan ko."

Nabalot ng munting tawanan sa loob ng kitchen. Maski ang ibang kitchen staffs ay natawa. Mabuti na lang ay wala si Sir Colton. Ayaw niya kasing nag-uusap kami at nagtatawanan dahil baka matalsikan daw ng mga laway namin ang mga hinahanda naming pagkain. Tama naman siya, pero pagalit kasi siya magsabi at madalas ay namamahiya.

Napangiti ulit ako kay Larry. Magaan na ang loob ko sa kanya mula nang maging magkatrabaho kami. Hindi man siya kaguwapuhan ay maayos naman siya sa kanyang sarili. Matangkad at semi-kalbo ang gupit ng kanyang buhok. Mabait siya at masayang kasama, pero mahiyain pagdating sa mga babaeng hindi niya kilala.

Napatingin ako sa katabi naming station. Busy na nagmamasa ng tinapay sina Billy at Nina sa mahabang table. Si Billy ay pastry chef at assistant naman niya si Nina. Nirereto namin si Larry kay Nina, pero hindi umiimik si Larry. Hindi namin alam kung ayaw niya kay Nina o kinikilig secretly.

Every Wednesday at Friday ang day-off ko, samantalang si Larry ay required pumasok ng six times a week, sa Linggo lang siya wala. Magkakaiba kaming lahat ng araw ng day-off.

Kinuha ko ang paborito kong kutsilyo at sinimulang maghati ng manok. Chicken recipes ang kahiligan kong iluto at ito talaga ang pinakagamay kong lutuin. Kami ni Larry ang naghahanda ng mga pagkaing prinito at savory. Ang ibang stations naman ay in-o-occupy ng mga line cooks para sa saute, grill, dishes at cold service stations kung saan ay nagtutulungan sila as a team. Kasama na namin ni Larry sa stations namin sina Amber at Luna. May mga assistant din ang ibang chef pati na rin ang station nina Billy at Nina na dessert station.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon