"Sir, napaaga po yata ang uwi n'yo?"Dumiretso sa sala si Landon at umupo sa sofa. Napahawak siya sa kanyang noo at minasahe ito. "Masakit ang ulo ko."
Napatingin siya sa paligid. "Nasa'n si Mama?"
"Po?" Nanginginig ang kamay ng kanilang katulong dahil pinayagan niyang umalis si Linda. Ilang araw na ring lumalabas si Linda upang matyagan ang mga anak.
Naging seryoso ang mukha ni Landon. "Nasa'n si Mama?"
"N-nasa kuwarto po n-niya."
Napabuntong-hininga si Landon, 'tsaka siya tumayo at umakyat ng hagdanan.
Ilang beses siyang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Linda, pero walang sumasagot.
"Sir, baka tulog po si Madam," kinakabahang sabi ng katulong nang sumunod siya kay Landon.
Hindi pinansin ni Landon ang katulong at binuksan niya ang pintuan. Hindi niya nakita ang kanyang ina. Naglakad siya papunta sa walk-in closet hanggang sa palikuran, pero wala siyang nakita. Tila nawala ang sakit ng kanyang ulo at nagmadaling lumabas sa kuwarto ni Linda.
Naabutan niya sa baba ang tatlong kasambahay nila.
"Nasa'n si Mama?"
Napayuko ang tatlo habang nanginginig sa takot. Ilang araw na nilang pinagtatakpan si Linda sa palagian nitong paglabas ng bahay.
"L-lumabas p-po siya, Sir," tugon ng naunang katulong na kausap niya kanina.
Nagsalubong ang dalawang kilay niya.
"Pinayagan n'yo? 'Di ba, kabilin-bilinan ko na 'wag n'yo siyang palalabasin! Sa'n siya pumunta?" Lalong tumaas ang boses ni Landon.
"Sorry po, Sir. Hindi po namin alam," sabay-sabay nilang pagkasabi 'tsaka yumuko.
"Get out of my sight!"
***
Laarni
"Kiefer!"
Nadatnan namin na nakasandal sa pader sa labas ng private room si Kiefer. Nawala ang gatla sa kanyang noo at umayos siya ng tayo nang makita niya kami. Malalim na ang gabi, pero nagmadali pa rin kami ni Lotus pumunta rito.
"Kumusta si Tita Thalia?"
"She's fine now. Muntik na siyang mamatay kanina." Naluluha ang mga mata niya. "Thank you sa pagpunta ninyo."
Lumapit siya at niyakap niya ako. Ramdam ko ang bigat ng mga hininga niya. Mabilis din niya akong binitiwan at pinunasan ang mga namuong luha sa kanyang mga mata.
"Are you okay, bro?" Hinawakan ni Lotus ang balikat ni Kiefer.
"Yes, I'm fine. Nag-alala lang talaga ako nang todo kanina."
"Ano'ng nangyari?" Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari kay Tita Thalia. Kinakatok ako ng konsensya.
"Hindi siya bumaba buong araw. After ng work, dumiretso ako sa room niya, then I found her on the bed, unconcious. Nasa tabi niya ang empty bottle ng anti-depressants."
Napatakip ako sa aking bibig. Hindi na niya nakayanan ang lahat.
"Ang sabi ni Dad noong dumating ang sulat, hayaan muna namin siya. We thought, she needs time to weigh up her emotions, but now we're too scared on how she can handle the situation."
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...