FREESIA

135 12 54
                                    


"Ano! Ano'ng nangyari?"

Nabitiwan ni Linda ang kanyang cellphone at napaupo. Lumapit sa kanya si Landon na puno ng pag-aalaa dahil sa natulalang reaksyon ng kanyang ina.

"Mama, ano po'ng nangyari?"

"Mama. . ."

Tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Linda.

"Ang papa mo! Ang papa mo . . ."

"Bakit po?" Sa murang edad ay matanda na kung mag-isip si Landon kaya naunawaan niya agad na may nangyaring masama sa kanyang ama.

Napapikit si Linda at niyakap si Landon.

"Nadisgrasya ang papa mo."

***

Laarni

"Dad!"

Mabilis kaming nakarating sa hospital. Nadatnan namin si Tita Thalia na umiiyak sa tabi ni Tito Maximo. Walang malay si Tito Maximo at may nakakabit sa kanya na ventilator support.

Lumapit si Kiefer at niyakap siya ng kaniyang ina.

"Inatake siya sa puso, iho. Dinala agad namin siya rito, pero na-comatose siya pagkatapos ng resuscitation."

Tumulo ang mga luha ni Kiefer at hindi niya napigilang mapahagulgol.

Nanigas na kami ni Lotus sa aming kinatatayuan. Parang sumikip ang dibdib ko sa aking narinig. Napatingin ako kay Tito Maximo at may kirot akong naramdaman sa puso ko.

Dahil na rin siguro sa matagal ko na siyang kilala at tatay siya ni Kiefer kaya nakararamdam ako ng kakaibang awa para sa kanya.

"Iwanan muna natin sila. Mamaya na lang tayo pumasok," bulong ni Lotus sa tainga ko.

Tumango ako at sumabay na naglakad sa kanya.

Muli akong napatingin sa walang malay na mukha ni Tito Maximo.

Tito Maximo, sana . . . magising na po kayo.

***

"Are you okay?"

Umiling-iling ako.

"Nalulungkot ako. Napakabait ni Tito sa 'kin kaya hindi ko maiwasang maawa sa nangyari sa kanya."

Nakaupo kami ni Lotus sa mga waiting room chairs malapit sa kuwarto ni Tito Maximo. Kahit hindi ko siya tatay ay nalulungkot pa rin ako. Siguro kasi no'ng dinadalaw ako ni Kiefer sa ampunan ay sumasama siya at naging mabait siya sa 'kin.

"I've only known him for a while but I can already see how good he is. Dad always compliments him. They've been good friends and have a lengthy history together. . . The type of friendship I'd like to develop with Kiefer." Napayuko ang ulo niya habang nilalaro ng mga kamay niya ang gold na singsing na kinuha niya sa daliri niya. Nakasuot pa rin siya ng office attire, pero magulo na ito at maluwag na ang kanyang kurbata.

"I begged Dad not to tell anyone that he adopted me. Alam kong ampon ni Tito Maximo si Kiefer, pero hindi ako nag-reach out noon."

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon