Laarni
"Drop the gun! Fuck!"
Pumunta sa harapan ko si Lotus at tinakpan ako. Ngumisi lamang si Larry na parang isang biro lang ang lahat ng ito.
Larry . . .
Ang sakit isipin na parang ibang Larry na ang nasa harapan namin ngayon. Hindi na siya ang kasa-kasama ko rito na nakikinig sa mga saloobin ko.Si Landon at si Larry ay iisa.
Bakit maghihiganti si Landon? Ano'ng ginawa ko sa kanya?
"Kapag hindi mo binaba 'yang baril mo, sisigaw ako at siguradong maririnig nila sa loob!"
Ibinaba ni Larry ang baril, pero hawak pa rin niya ito? "Kung may makakarinig pa, Lotus Villanueva."
Muli niyang itinutok ang baril kay Lotus. "Pinatulog ko na silang lahat. Pinaalis ko na rin lahat ng customers."
Tumulo ang aking mga luha. Bakit ginagawa ito ni Larry?
"Makinig ka, Laarni." Naglalaro ang mapagbirong ngiti sa kanyang labi. "Lumapit ka rito kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo ng boyfriend mo."
"What the hell? No!" Pasigaw na ang boses ni Lotus.
"Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi ka lumapit, Laarni ay mamamatay sa harapan mo ang pinakamamahal mo."
"Anak! Tama na!" Lalapit sana ang matandang babae kay Larry, pero umatras si Larry.
"'Wag kayong makialam dito, Ma. Kailangang pagbayaran ng babaeng 'to ang lahat ng ginawa ng nanay niya."
Buong-buo at madiin ang boses ni Larry, kasabay ng panlilisik ng mga mata niya. Parang tinutusok ang puso ko sa nakikita ko sa mukha niya. Kinamumuhian niya ako nang sobra.
"You're insane! Walang kasalanan si Laarni kung ano man ang nagawa ng nanay niya sa inyo!" Humakbang ng isang beses si Lotus palapit kay Larry.
"Hindi mo alam ang nangyari kaya manahimik ka!" Itinutok pa rin ni Larry ang baril kay Lotus.
Kung hindi ko susundin si Larry ay baka barilin nga niya si Lotus. Nanginginig akong humakbang palapit kay Larry.
"Laarni! What are you doing!"
"Ganyan nga, princess. Masunurin ka talaga."
Hinawakan ni Lotus ang kamay ko. "Laarni, don't listen to that bastard!"
Lilingon sana ako kay Lotus nang bigla kong hinila ang kamay ko at napatalon sa takot dahil nagpaputok sa ere si Larry.
"Anak! Maawa ka!"
Bigla na lang akong hinila ni Larry at ikinulong ang aking leeg sa kanyang braso.
"Larry, masakit," pagmamakaawa ako.
Itinutok niya ang baril sa gilid ng aking ulo. Ang sakit isipin ng mga nangyayari. Para akong nilulubog sa kumukulong tubig.
"Diyan lang kayo! Hindi ako magdadalawang isip na barilin ang babaeng 'to kapag lumapit kayo!"
Tumulo ang mga luha mula sa mata ni Lotus.
"Please, Larry. Bitiwan mo siya. I will give you everything basta pakawalan mo siya," pagmamakaawa ni Lotus.
"Wala akong ibang gusto kundi ang makita na nahihirapan ang babaeng 'to!" Dahan-dahan akong hinila ni Larry. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang dalhin ako kung sa'n siya pupunta. Walang nagawa ang matandang babae kundi ang umiyak. Naglakad palapit sa amin si Lotus, pero pinaputukan ni Larry ang sementadong lupa sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...