"Aalis na kami bukas. Pipilitin kong makabalik dito para makita kitang muli."Hindi makatingin si Rose kay Landon. Naiiyak siya at hindi niya maipaliwanag. Niyaya niya sa playground si Landon dahil ito ang utos ng kanyang ina. Isinabit ni Landon ang ginawa niyang sampaguita sa leeg ni Rose. Paborito kasing bulaklak ni Rose ang Sampaguita.
"Uwi na tayo sa bahay para makita mo pa si Mama, Rose."
"'Wag!" Hinawakan ni Rose ang braso ni Landon.
Napanganga si Landon, batid ang pagtataka sa mga guhit na namuo sa kanyang noo.
"G-gusto ko mag-swing. Itulak mo 'ko."
Napangiti si Landon at hinaplos ang pisngi ni Rose. "Okay, sige."
Hindi mapakali si Rose. Sinusunod lamang niya ang utos ng ina na maglaro sila ni Landon sa playground hanggang tanghali. Sinabi ni Rondeletia na kapag umuwi sila ay hindi na niya mamahalin si Rose.
Nakaupo si Rose sa swing habang nasa likuran niya si Landon. Hindi masyadong malakas ang pagkakatulak ni Landon sa swing dahil baka mahulog si Rose. "Alam mo, Rose, ma-mi-miss kita. Ingatan mo ang sarili mo ha. Babalik ako balang-araw."
Hindi na napapakinggan nang maayos ni Rose si Landon. Sumasabay ang pagsabog ng takot sa puso niya sa bawat paglipad niya sa ere. Hindi siya mapakali dahil nakararamdam siya ng kakaiba sa sinabi ng kanyang ina. Sinabi ni Rondeletia na mawawala na si Linda. Hindi ito maintindihan ni Rose, pero kakaibang takot ang nararamdaman niya.
Hininto ni Landon ang pagtulak kay Rose nang mapansin niya ang nakangiwing mukha nito. "Bakit, Rose?"
Pumunta si Landon sa harapan ni Rose, 'tsaka siya yumuko upang magpantay ang mukha nilang dalawa.
"L-Landon . . ."
"Bakit? Bakit ka umiiyak?"
Pinunasan ni Landon ang mga luha ni Rose.
"S-si M-mama . . ."
"Bakit?"
"S-sabi niya . . ." Napahagulgol si Rose na parang nauubusan ng hininga. Hinaplos nang marahan ni Landon ang likod niya.
"Sabi niya . . . d-dalhin kita rito . . . k-kasi pupuntahan niya si T-Tita L-Linda. S-Sorry, Landon."
"Ano?" Nanigas ang panga ni Landon.
Agad tumayo si Landon at hinila si Rose sa kamay.
"Halika na. Umuwi na tayo!"
***
Laarni
"Happy birthday po, Tito."
"Thank you, Laarni."
Magaling na si Tito Maximo at nakakalabas na rin siya ng bahay. Nagkaroon lamang ng simpleng dinner dito sa bahay nila. Gusto sana nilang ipaghanda si Tito Maximo ng isang magarbong party, pero ayaw ni Tito na may makasalamuhang maraming tao lalo't kagagaling niya sa coma. Narito si Lotus kasama ang kanyang mga magulang. Katatapos naming kumain kanina at nag-uusap silang lahat sa sala.
"I'm happy na nandito ka."
Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya.
Nakita ko si Tito Maximo na nakatayo sa terrace habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Nakita ko 'yon na pagkakataon para ibigay ang regalo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...