"Bakit po kayo lumabas?"Nakaramdam ng takot si Linda sa kalmadong boses ni Landon. Siya ang ina nito, pero pakiramdam niya ay wala na siyang karapatan. Naabutan niya itong nakaupo sa sofa.
"Namasyal lang ako, anak," mahinahong tugon ni Linda
"Namasyal? Hindi pa kayo masyadong magaling, Ma! Baka may mangyari sa inyong masama!" Tumayo si Landon at nilapitan siya.
Nanlaki ang mga mata ni Linda dahil sa galit na ibinubuga ni Landon.
"Ang sabi ng doktor magaling na ako."
"Hin-di pa ka-yo ma-ga-ling!"
Tila may nagsindi ng apoy sa puso ni Linda hindi lang dahil sa mga nalaman niya mula noong minamatyagan niya ang kanyang mga anak, kundi pati na rin sa pagtaas ng boses ni Landon. "Ayaw mo akong lumabas dahil baka mabuko ko kayo! Ayaw mong malaman ko ang totoo!"
Napanganga si Landon. Nakaramdam siya agad ng takot nang maging madiin at maawtoridad ang boses ng ina.
"Ano'ng sinasabi n'yo?"
"Alam ko na ang lahat, Landon! Hindi kayo nagtatrabaho sa ospital! Araw-araw ninyong nakikita si Rose."
Nanlaki ang mga mata ni Landon kasabay ng panginginig ng kanyang buong katawan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng ina.
"Hanggang kailan n'yo 'ko lolokohin! Bakit iba ang pakilala ninyong pangalan kay Rose!"
"Mama!"
Dumating si Lily at tumakbo sa tabi ng ina. "Ano po'ng nangyayari?"
Tumulo ang mga luha ni Linda. "Bakit kailangan ninyong maglihim sa akin?"
"Mama, huminahon po kayo. Magpapaliwanag po kami," pagmamakaawa ni Landon.
Pinunasan ni Linda ang kanyang mga luha.
"Dalhin n'yo 'ko kay Rose! Gusto ko siyang makausap."
***
Laarni
"Nagustuhan mo ba ang mga pinamili ko."
"Opo, Ti—Papa. Maraming salamat po." Ngumiti ako para itago ang hiya. Parang mas nahihiya pa ako ngayon nang malaman kong tatay ko pala siya.
"That's good."
Ito ang unang araw ko rito sa bahay nila. Hindi na ako nasamahan ni Lotus dahil marami siyang ginagawa. Nakasabay ko nang kumain kanina si Tita Thalia. Tahimik lamang siya at dumiretso siya agad sa garden no'ng natapos siyang kumain. Narito ako ngayon sa kuwarto ko at mukhang ipinahanda ito ni Papa. Katabi ng aking kuwarto ang kay Kiefer.
Marami siyang pinamili na mga damit at sapatos para sa 'kin. Tumanggi ako, kaso parang wala siyang naririnig.Hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ko sa Alfonso' Kitchen. Ang sabi ni Kiefer ay nagpatawag siya ng meeting kanina at sinabi na niya ang tungkol sa amin ni Papa. Marahil ay nabigla sila. Sigurado rin akong hindi lahat ng naisip nila ay maganda. Marami akong natanggap na missed calls mula kina Larry at Amber.
"Komportable ka naman dito?"
"Opo, Papa. Maraming salamat po."
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Papa, ano po ang hitsura ni Mama?"
Tipid siyang ngumiti habang nakatingin sa harapan niya. "Maganda siya, Laarni, just like you. Kakaibang ganda."
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...