Laarni
"Okay na, ma'am."
"Thank you."
Katatapos lang ng technician na maikabit ang binili kong CCTV camera. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko nang maikabit ito. Ang sabi sa akin ng technician ay puwede ko raw ma-view ang footage sa application na na-install sa cellphone ko.
Pinapasok ko muna ang technician at pinagmeryenda habang inaayos ko ang gamit ko. Sabado ngayon at ang sabi sa 'kin ni Lotus ay hindi raw siya papasok sa opisina dahil mamamasyal kami. Si Larry lang ang pumuntang opisina para ipagluto si Mr. Villanueva at ang kanyang asawa.
"Mag-isa n'yo lang dito, ma'am?"
Napalingon ako sa technician na nagmemeryenda sa sofa.
"Oo."
"Kailangan n'yo nga ng CCTV dito, ma'am. Medyo papasok na itong apartment n'yo at mukhang kayo lang ang nag-uupa rito. Malayo na rin ito sa ibang bahay. May nakatira ba sa katabi ninyong apartment?"
"Wala e, ilang taon nang walang tumitira."
"Bakit ma'am, mahal ba ang upa rito?"
Mukhang curious siya. Matangkad siyang lalaki, pero napakatinis ng boses niya.
"Sakto lang naman po, baka malayo kasi sa mismong bayan."
Tumango-tango lamang siya.
NANG matapos siya ay magalang siyang nagpaalam sa akin. Nag-umpisa na akong maligo dahil baka parating na si Lotus.
Nang makapunta ako sa banyo ay napaisip ako. Bakit nga ba walang umuupa sa katabi kong apartment? Duplex apartment ito na pagmamay-ari ni Mrs. Acosta, ang kaibigan ni Tita Thalia. Nasa ibang bansa siya, pero ang kapatid niya ang kumukuha ng bayad ng renta. Hindi ito kamahalan at maayos ang loob ng bahay.
Kasabay ng iniisip ko ay ang pagpasok naman ni Kiefer sa utak ko. Halata ang pagkadismaya sa mukha niya kagabi. Sinabi ko sa kanya na tinatakot ako ng sender sa pamamagitan ng mga ibig sabihin ng mga bulaklak. Wala akong maipakitang pruweba dahil kinuha na ng truck ng basura ang mga tinapon kong baskets na may mga bulaklak at cards. Iyon din ang isa sa nakikita kong dahilan na nagpapatunay na hindi ako nagkamali kagabi. Kung kinuha na ng basurero ang laman ng basurahan ay dapat kinuha na rin niya ang basket ng sunflowers.
Nakasisigurado akong panibagong sunflower at card ang naabutan ko kagabi at sinadya ito ng taong nag-iiwan ng bulaklak. Hindi ko alam kung naniniwala sa akin si Kiefer, pero sa tingin ko ay iniisip niya na nagkakamali ako o baka mas lalo niyang iniisip na nababaliw na ako.
Alam kong pinaglalaruan ako ng isang tao.
Huminga na lang ako nang malalim. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko.
Nakakapagod.
***
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko kay Lotus.
"Sa zoo."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
Kumpara kay Kiefer, mabilis magpatakbo ng sasakyan si Lotus.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...