SUNFLOWER

277 18 67
                                    

Laarni

Sunflowers are believed to seek for light and raise their heads in a gesture of reverence and respect toward the sun. Do you want to know the symbol and mythological history? Ask the person with
HIDDEN MOTIVE.

Ano na naman ba 'to? Hindi na ba talaga nagsasawa ang nag-iiwan ng mga bulaklak na ito?

Wala naman akong natatandaang kaaway ko. Mukhang kailangan kong magpa-install ng CCTV.

Iniwan ko ang basket ng bulaklak sa tabi ng basurahan. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko ng mga bulaklak.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay muli na namang dumaan sa aking utak ang huling nakasulat sa card. 'Ask the person with hidden motive'.

Sino?

***

"Ano, masarap ba?"

"Sobrang sarap, Laarni!" Halos mapatalon pa si Larry nang matikman niya ang luto ko.

Napatalon ako sa tuwa. Narito kami ngayon sa kitchen area ng opisina ng mga Villanueva. Bukod sa akin ay kinuha na rin ni Lotus si Larry na kasama kong magluluto para sa kanyang mga magulang habang wala pa kaming trabaho. Madalas na nandito si Lotus sa building ng V-Growers, kaya naman ay dito na rin kami nagluluto. Nahihiya pa rin kami sa nangyari sa party, pero hindi na siya big deal para sa pamilya Villanueva. Nagpapasalamat pa rin kami na nagtiwala sila sa 'min para ipagluto sila.

"Ang sarap na ng luto mo ng Pork Humba."

"Salamat. Masarap din ang Kare-kare mo."

Sobrang nakalabas na ang mga ngipin namin dahil sa tuwa. At least dito ay walang Sir Colton na magagalit sa 'min kahit na magtawanan kami. Ang sabi nina Billy at Nina ay nasa Maldives daw ngayon si Sir Colton para mag-unwind at ilibing ang kahihiyan na binagsakan ng pangalan niya.

Lumapit si Larry sa akin at tinitigan ako sa mata. "Bakit ganyan ang mga mata mo? Ang tamlay, palagi ka bang nagpupuyat?"

Napayuko ako habang tinatanggal ang apron ko. "Ilang linggo na rin akong hindi makatulog," sambit ko sabay tingin sa kanya. "May secret ako."

Napanganga siya nang kaunti. "Ano 'yon?"

Huminga ako nang malalim. "May nagpapadala sa 'kin ng mga bulaklak."

Namilog at nanlaki ang mga mata niya. "May admirer ka?"

Iyon talaga ang unang papasok sa isip ng tao.

Isinabit ko ang apron 'tsaka ako sumandal sa counter. "Hindi admirer ang tingin ko sa kanya. Parang. . . parang tinatakot niya ako. Magmula nang makatanggap ako ng sulat ay kung anu-ano na ang naiisip ko."

Napakunot ang noo niya kasabay ng pagkawala ng ngiti sa bibig niya. "Gano'n ba? Pa'no? May idea ka ba kung sino?"

Napailing-iling ako. Parang isang matatakuting bata ang nasa loob ng katawan ko ngayon. "Wala, pero may pinadala siyang sunflower kanina, may card na kasama. Kadalasan, ang mga bulaklak na pinapadala niya ay may kasamang card, nakasulat doon ang symbol and meaning ang mga bulaklak. 'Yong kanina ay walang nakalagay na meaning. Kung gusto ko raw malaman ang symbol at mythological history, tanungin ko raw ang taong may hidden motive."

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon