ROSE

186 17 59
                                    

Laarni

"Bakit hindi na tayo tutuloy?" tanong ni Kiefer.

"Nagbago ang isip ko. 'Tsaka na lang."

Hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang tungkol sa sinabi ng batang lalaki, lalo't wala naman akong pruweba na totoo ang sinasabi ng bata, pero hindi rin ako dapat magtiwala kay Lotus.

"Hindi mo na ba gustong malaman kung bakit ka nila binibigyan ng bulaklak?"

Huminga ako nang malalim 'tsaka napatingin sa malayo. Hinihintay namin si Lotus dahil pupuntahan namin ang orphanage na naging tahanan namin noon.

"Gusto . . . pero gusto ko ring makita sina Ate Mona at Ate Lisa." Sina Ate Mona at Ate Lisa ay sina Mrs. Talavera at Mrs. Sulivan.

"Okay, just tell me kung kailan." Sumandal siya sa kanyang kotse. Nakasuot siya ng itim na henley shirt at black denim, samantalang checkered blouse at itim na pleated skirt naman ang suot ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"He's already courting you but you didn't tell me."

Na-awkward ako bigla kaya napayuko ako at kunwaring inayos ang aking palda.

"Sasabihin ko rin naman kaso naunahan mo 'ko. Paano mo pala nalaman?" Tiningnan ko siya at diretso lang ang tingin niya sa 'kin.

"Sinabi niya sa 'kin," tiim-bagang niyang pagkasabi. Akala ko ay galit siya sa 'kin, pero bigla siyang huminga nang malalim 'tsaka tipid na ngumiti.

"Ano'ng sinabi mo sa kanya?"

"Sinabi kong malalagot siya sa 'kin kapag sinaktan ka niya."

"Hindi ako masasaktan."

"I hope."

Sabay kaming napalingon nang dumating ang kotse ni Lotus. Awtomatikong napangiti ako hanggang sa maalala ko ang sinabi sa akin ng bata noong isang araw kaya nawala rin ang ngiti sa aking labi. Napakaguwapo naman niya sa suot niyang gray na flannel button-up at jeans.

"Good morning." Isang matipid na ngiti ang pinakita niya sa amin.

"Good morning din." Lumapit siya sa akin at ibinigay ang hawak niyang paper bag.

"Ano 'to?" Tiningnan ko ang laman at may nakalagay na chocolates sa loob.

"Thank you, hindi mo naman ako kailangang bigyan."

"Pero gusto ko."

Hindi na ako nakaimik dahil naririnig ko ang pagtibok ng puso ko. Ang hirap kumalma.

"Gamitin na lang natin ang kotse mo, bro," suhestyon ni Kiefer kay Lotus.

"Okay, let's go."

***

"Kailan kayo huling dumalaw sa orphanage?"

"Last Christmas pa, no'ng nagpakain kami ng mga bata.."

Nakaupo silang dalawa sa harapan habang nag-uusap. Si Lotus ang nagmamaneho at nakaupo naman ako rito sa likod.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon