ROSEMARY

298 24 70
                                    

Laarni

Rosemary is a woody, perennial plant with the potential to grow into a dense shrub. The leaves and petals are used in a wide variety of culinary preparations, including tea, breads, herbal butters, stews, and sauces for roasted meats and vegetables.
Rosemary was used at both weddings and FUNERALS.

Agad kong tinapon sa basurahan ang basket na may lamang bulaklak. Mahahaba ang mga tangkay nito kaya napuno agad ang basurahan. Kinuha ko rin ang ibang basket na may mga lamang nalantang bulaklak na naipon sa counter. Pilit kong pinagkasya ang mga bulaklak at baskets sa basurahan.

Dumiretso ako sa lababo at hinugasan ang mga nanginginig kong kamay. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nabuhay ang bangungot na kinalimutan ko sa aking panaginip.

Kumuha ako ng baso at nilagyan ko ito ng malamig na tubig. Kasabay ng pagdikit ng baso sa aking bibig ay ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Parang naghalo ang lasa ng matamis na tubig at maalat na luha. Nabitiwan ko ang babasaging baso at bumagsak sa sahig. Isang biglaang ingay ang naidulot nito, pero kakaibang tensyon ang aking naramdaman.

Bakit ako nagkakaganito?

Ano'ng gagawin ko?

***

"Pumayag ka na magtrabaho sa kanya?"

Napatingin ako kay Larry. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fast food chain kasama sina Nina at Billy.

"Kaibigan ko siya, wala naman sigurong masama."

Pumalakpak si Nina. Ang fresh ng aura niya. "Buti ka pa, mare, 'tsaka baka malaki ang magiging salary mo! Bonus na rin na araw-araw mong makikita ang napakaguwapong mukha ni Sir Lotus."

Ang cute niyang babae. Nasa four feet at eight inches ang height niya. 'Yon kasi ang madalas niyang sinasabi na kinulang daw siya sa height. Pero kahit gano'n ay maganda naman siya. Maikli lang ang buhok niya na bumagay sa kanyang maliit na mukha. Pixie-cut ang style nito at ang sabi niya ay ginaya raw niya sa isang artista sa hollywood. Medyo patulis ang baba niya at maliit lang ang bibig niya.

Tipid akong napangiti sa kanya. Kung may dahilan man ako kung bakit ako pumayag na maging personal cook ni Lotus ay ang makaiwas sa pag-stay sa bahay. Bumibigat na talaga ang pakiramdam ko sa apartment na 'yon. Hindi ko naman na masabi kay Kiefer dahil hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya. Ayaw ko nang dagdagan ang bigat ng damdamin na nararamdaman niya kaya ayaw ko na ring tanungin kung inalam ba niya kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak.

"Pero, kakaiba rin 'no, parang isang iglap bumalik 'yong childhood friend mo tapos magkaibigan na kayo ulit," ani Larry habang sinusubo ang nakalagay sa tinidor na spaghetti. Feminine kung umasta minsan itong si Larry, pero ang sabi niya ay straight naman siya at mga babae ang tipo niya. 'Yon nga lang ay wala pa raw siyang balak mag-asawa sa ngayon.

"Oo nga, ang suwerte pero niya, ampon lang siya pero siya ang tagapagmana ng V-Growers," pagsingit ni Billy. Bumungisngis siya na parang bilib na bilib sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga muscles niya. 'Di lang ako makapaniwala minsan na may ganyang kalaki na laman. Malalaki ang mga braso niya at matangkad. Malaki ang katawan niya, pero hindi siya mataba. No'ng una namin siyang nakita ay akala naming nagkamali siya ng in-a-playan. P'wede na siyang bouncer sa mga bar o kaya ay body guard ng mga babaeng artista. Brusko man siyang tingnan ay gentle giant naman siya. Tanging dough lang daw ang kaya niyang ibalibag.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon