CINQUEFOIL

137 13 62
                                    


"Masaya kami na okay ka na, Mama."

Ngumiti si Linda at hinaplos ang ulo ng kanyang anak. "Salamat, Landon."

"Ang tagal n'yo pong naghirap, Mama. Dahil maayos na po kayo ngayon ay makapagsisimula tayong muli," sabi ni Lily.

Lumawak ang ngiti sa labi ni Linda. Mula noong lasunin siya ni Rondeletia ay tila nawala na siya sa kaniyang sarili. Dala ng nangyari sa kaniyang asawa, kasabay ng mga inhalants na naaamoy niya sa mga bulaklak na binibigay ni Rondeletia ay maraming taon ang nasayang sa kanyang buhay. Naging tulala lang siya, ngunit sa pagdaan ng panahon ay unti-unti siyang nawala sa kanyang sarili kaya napilitan sina Landon at Lily na dalhin siya sa isang mental institution. Noong namatay ang kanilang lola dahil sa katandaan ay naipamana ang lahat ng yaman at mga lupain sa kanilang dalawa, gayundin ang mga ari-ariang pagmamay-ari ni Leo. Hindi sinukuan nina Landon at Lily ang gamutan ni Linda hanggang sa gumaling ito. Alam na rin ni Linda ang lahat ng ginawa ni Rondeletia.

"Nahanap n'yo na ba si Rose?"

Napatingin sina Landon at Lily sa isa't isa.

"Hindi pa po," tugon ni Landon.

Napatingin sa bintana si Linda. "Kumusta na kaya siya ngayon? Kumusta na rin kaya si Rondeletia? Sana ay hindi niya pinapahirapan ang buhay ni Rose."

Napakuyom ang kamao ni Landon.

"Kalimutan n'yo na sila, Mama."

***

LAARNI

"L-Laarni C-Cueva."

Nanginginig ang mga kamay ni Tita Thalia. Binitiwan niya ang papel at mabilis na tumayo. Tumakbo siya papunta sa kanyang kuwarto at sumunod naman sa kanya si Kiefer. Tulala naman si Tito Maximo na nakatingin lamang sa akin. Inalis ni Lotus ang kanyang kamay sa aking baywang at hinawakan ang aking malamig na kamay.

"Ikaw nga ang anak ko. Kaya pala may birthmark ka rin sa balikat na katulad ni Rondeletia," luhaang pagkasabi ni Tito Maximo. Tatayo na sana siya para lapitan ako nang tumayo si Lotus.

"Tito, that letter's credibility is questionable. We should not believe things about which we are not certain. I will bring her home. She is currently dealing with numerous problems. I don't want her to carry additional weight."

"Pero may birth—"

"Maximo, tama si Lotus. Let it pass. Puntahan mo muna si Thalia. He needs you right now," sambit ni Tito Benjamin.

Pinunasan ko ang aking mga luha. Hindi ko na ito napigilan kanina no'ng napatingin ako sa mga mata ni Tita Thalia na puno ng pighati.

"We have to go." Hinila ako ni Lotus palabas ng bahay ng mga Alfonso.

Nang lumingon ako ay nakita ko sa mga mata ni Mr. Alfonso ang pangungulila.

Tatay ko kaya siya? Ayaw kong papasukin ang ideya sa isip ko dahil baka hindi ako makabangon sa sakit kapag hindi ito totoo.

Prank lang ba?

Nang makapunta kami sa parking lot ay bigla akong niyakap ni Lotus. Bumuhos ang aking mga luha nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Lotus . . ."

"Everything will be fine."

"Natatakot ako."

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon