"Bakit may mga pasa si Rose? Sinasaktan mo ba siya?""Maingay kasi! Iyak nang iyak."
Hindi nakasagot si Linda. Nasa kanyang mga bisig ang higit isang taong gulang na bata na si Rose. May mga pasa sa kanyang mga kamay at paa.
"Natural lang sa bata ang umiyak dahil hindi pa nila masabi ang mga pangangailangan nila, Rondeletia. Kawawa naman ang anak mo!" Hindi maiwasan ni Linda na tumaas ang kanyang boses.
Tumaas lamang ang mga kilay ni Rondeletia.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, sino ang nakabuntis sa 'yo?"
Natulala na lamang si Rondeletia habang nakatitig sa bulaklak ng Gloxinia. Ito ang bulaklak na paulit-ulit niyang iniiwan sa silid ni Leo noon, ngunit gabi-gabi lang niyang nadadatnan sa basurahan.
Ayaw niyang makita ng kaibigan kung gaano siya kahina. "Hindi mo na dapat malaman 'yon."
Inilapag ni Linda ang bata sa tabi ng kaniyang anak na lalaki na kasalukuyang naglalaro sa sala. Lumapit siya sa kaibigan at hinila ito sa braso. Nagtama ang kanilang mga mata at sa unang pagkakataon ay nakita ni Linda kung gaano kalamig ang mga mata ng kaibigan.
"Ano'ng balak mo sa bata? Lumaki na walang tatay?"
Hindi sumagot si Rondeletia. Batid na ni Linda ang kasagutan.
Pareho silang napatingin sa dalawang bata. Gusto mang ampunin ni Linda si Rose ay hindi maaari dahil buntis ulit si Linda sa kaniyang ikalawang anak. Napahawak si Linda sa kanyang puson at napatingin naman si Rondeletia sa maumbok na tiyan ni Linda.
Nanlaki ang mga mata ni Rondeletia. "Buntis ka ba?"
Nanginginig ang mga labi ni Rondeletia. Muling nadurog ang kanyang puso dahil mas lalong tumitibay ang pagmamahalan nina Linda at ng lalaking matagal na niyang iniibig nang pasikreto.
"Oo, buntis ako."
Mabilis na tinalikuran ni Rondeletia si Linda.
Napatitig lamang siya sa bulaklak ng Gloxinia habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha.
Unti-unting kinakain ng poot ang buong pagkatao niya.
'Walang dapat na maging masaya,' sumpa niya.
***
Laarni
"Stable na po ang kalagayan ng pasyente."
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Halos isang oras din akong naghintay sa labas ng Emergency room. Nang tumawag kanina si Kiefer ay nasabi ko na sa kaniya ang nangyari. Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Lotus kaya narito na sila. Umiiyak si Tita Rosemary habang tahimik na nakatayo si Mr. Villanueva. Pinapakinggan lang namin ang sinasabi ng doktor.
"Nahulugan ang kanyang ulo ng mga scrap mula sa nasusunog na ceiling kaya may sugat ang kanyang noo at nawalan siya ng malay sa loob dahil na rin sa nalanghap niyang makapal na usok. Mabuti na lamang at nabigyan siya ng first-aid at nadala agad dito sa ospital."
"Salamat naman at ligtas ang anak namin." Napahagulgol si Tita Rosemarie at yumakap sa asawa.
Tunay ngang mahal na mahal nila si Lotus.
"Laarni!"
Napalingon kami nang dumating si Kiefer. Hinihingal siyang tumakbo palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...